James, Alden
James dapat tularan si Alden
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Ayaw talagang paawat ng pelikulang Hello, Love, Goodbye. As of this writing, almost P850 million na ang kita ng pelikula nina Alden Richards and Kathryn Bernardo. Eh so far marami pa raw nano­nood kaya ilang kembot na lang, P1 billion na ito. Kaya naman si Alden todo ang pasasalamat sa Diyos. Sino nga naman ang mag-aakala na after Victor Magtanggol, bobongga ang career niya dahil sa pelikula ni Kathryn.

For the record, isa talaga sa unang nakakita ng potential ni Alden ay si tita Ethel Ramos. Nag-presscon noon ang GMA 7 para sa isang project na kasama si Alden. Kinausap siya ni tita Ethel at bago umalis ang tinuturing na dean of entertainment writing / talent manager, sinabi niya sa isang executive ng GMA na “alagaan n’yo ‘yan sisikat ‘yan,” na tonong tita Ethel.

Ayan na nga, for 2019 walang duda na si Alden na ang box office king.

Isa pang ‘henyo’ sa ganyan ay si Boss Vic del Rosario. Naalala ko lang dahil sa ginawang paglayas ni James Reid sa poder ng Viva recently. Flashback : si Boss Vic lang noon ang naniwala na sisikat si James with Nadine Lustre nang maisip niyang bigyan ng launching project ang dalawa na ang Ang Diary ng Panget na sikat sa WattPad.

May ilan pa nung kumokontra sa paligid ng bossing ng Viva at nagsasabi na ‘sisikat pa ba yan Boss Vic eh wala ngang nangyari pagkapanalo niya sa PBB.” Pero pinanindigan ni Boss Vic na sisikat sila. Fast foward : dumating sa point na naging hottest loveteam ang JaDine.

Pero along the way, kaliwa’t kanan ang naging isyu ng diumano’y pakikialam ng tatay ni James lalo na sa mga negotiations sa talent fee. Hanggang pati raw sa trabaho pinakikialaman na ng ama ni James kaya naapektuhan ang actor at ang huling balita, wala nang gustong makipag-trabaho dito sa kakaibang attitude. Ngayon ay pagawa-gawa na lang ng music video ang actor na wala na ring contract sa ABS-CBN.

Dun malayo si James kay Alden na naging consistent ang mahusay na pakikisama at kabaitan.

ALDEN RICHARDS JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with