Cristalle Belo muntik nang ma-food poison!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

Ikinuwento sa amin ni Cris Roque ng Kamiseta apparel/skin /hotel/Vanilla Pastries ang outreach program na sinalihan ng kanyang anak na babae kaya bigla kong naalala si Cristalle Belo.

Muntik nang maging biktima noon ng food poisoning si Cristalle dahil nakainom siya ng maru­ming tubig at dahil sa gutom, nag-hallucinate siya na kumakain ng fried chicken.

Ang sarap isipin na may mga mayayaman na bata na nagtitiis na mahirapan sa immersion at sinusubukan ang buhay ng mahihirap.

Ang anak ni Cris, talagang mga poorest of the poor na mga bata mula sa Tondo ang kasama while doing her immersion sa kanyang outreach program.

As parents you feel proud na may ganoong puso para sa mahihirap ang kanilang mga anak. Proud parents, wonderful children na sana gayahin ng ibang mga anak mayaman to see the difference of living in our society.

Matagal kaming hindi nagkausap ni Cris. Excited pa naman ako na malaman ang feeling niya about her son Gino Roque entering showbiz.

Excited din pala si Cris na sobrang blooming ngayon dahil sa mga bagong treatment na ginagawa sa kanya ng Kamiseta Skin.

Ganoon pala ang skin kapag inaalagaan, kutis-mayaman, tulad din ng skin ni Gino na unang napapansin.

Dapat siguro Salve kausapin mo na si Gino para mag-guest sa atin para tulad ni Javi Benitez, makilala din natin siya nang husto.

Dumating nga pala si Bernard Cloma sa meeting namin ni Cris at naloka ako sa kanyang re-enactment nang manakawan ang condominium unit niya.

Nakakatakot pala ang modus operandi ng grupo na nagnakaw kay Bernard dahil mga professional sila.

Umupa ang mga magnanakaw ng unit sa condominium building na tinitirhan ni Bernard para matiktikan ang lahat ng mga kilos niya at malimas ang kanyang mga mamahalin na gamit.

So grabe na talaga ang utak ng mga kriminal, nag i-invest na sila para matiktikan ang kanilang mga nanakawan.

Scary ang akyat condo experience ni Bernard dahil masyado nang agresibo at bongga nga­yon ang mga magnanakaw.

They go as far as umupa ng condo unit para mapag-aralan ang lahat ng kilos ng kanilang mga bibiktimahin.

Collagen drinks at day and night cream ng isang sikat na brand, magandang gamitin

Panay ang sabi ni Mayette Acuna na papasok sa atin ang IVI Meth nina Vanni at Ryan Patillas, Salve. Sabi ko nga, isa sa paborito mo ang mga Meth products ng RYU na tulad ng collagen drinks, ‘yun ang night and day cream nila at ever favorite ni Gorgy na sabon.

Dahil siguro panay ang sama ni Mayette sa BF niya na Iranian o Palestinian yata kaya hindi sila magtagpu-tagpo ni Gorgy para mailagay na ang mga product nina Vanni at Ryan sa mahiwagang table ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) na para nang sari-sari store dahil sa dami ng mga paninda.

Kaloka talaga dahil kapag walang nakalagay na mga produkto sa mesa, parang insecure ako at kahit pa mga produkto ng UltraMega ang makikita sa Tuesday, pipilitin ko pa rin si Mayette na maglagay ng IVI Meth.

Alam mo Salve ha, mabuti na lang marami ako na rich Asian friends na naglalagay ng paninda sa table kaya Cristy Fermin, nasaan na ang promise mo na mga chicken inasal products?

Kausapin at singilin mo na si Joey Santos ng Red Juice para sa supply dahil hanggang ngayon waley pa give eh every week put ni Bb. Tina Roa sa table ang juice.

Naku ha, mabuti pa si Benjie ng banana cake every week give sa ating mala- palengke na weekly online program na kahit minsan, hindi ko pa napanood dahil wala akong Facebook at Youtube. Kaloka, barok na barok ako.

CRISTALLE BELO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with