James Reid
James ‘kumalas’ na kay Nadine!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

Maraming netizens ang na-shock nang kumalas ang singer-actor at ex-PBB:Teen Clash big winner na si James Reid sa kumpanyang tumulong sa kanya na marating ang kanyang kinatatayuan ngayon,  ang Viva.

Ayaw mang magsalita ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario na may kinalaman sa pag-alis sa kanyang poder ng screen and real partner ni Nadine Lustre, tiyak na may matinding dahilan.

Kung totoong ang Australian dad na ni James ang mamahala sa kanyang career, kaya kaya nitong gampanan considering na wala itong alam sa takbo ng showbiz and entertainment business  sa Pilipinas?

Tingnan natin.

Gina maraming naiwan...

Ipinagluluksa ngayon ng sambayanan ang maagang pagpanaw ng kilalang environmentalist at philanthropist na si Regina Paz  Lopez na sumakabilang-buhay kahapon, araw ng Lunes, August 19 sa edad na 65.

Si Gina ay nakababatang kapatid ng dating chairman/CEO ng ABS-CBN na si Gabby Lopez at pangalawa sa pitong magkakapatid.

Ang pagmamahal at malasakit ni Gina sa kanyang kapwa at sa environment ay nag-manifest sa mga humanitarian and environmental projects na kanyang pinagkaabalahan nung siya’y nabubuhay pa.

Naranasan din ni Gina ang buhay ng isang mahirap nang ito’y tumira sa loob ng isang taon sa India kasama ng mga naninirahan sa slums doon.  Dahil sa kanyang mga adbokasiya, isinantabi niya ang kanyang marangyang buhay para lamang makatulong.

Iniwan ni Gina ang dalawa niyang anak na parehong lalake.

Si Gina ang nagtatag ng ABS-CBN Foundation, Inc. (AFI) at ang Bantay Bata Foundation bukod pa sa kanyang pagiging strong activist na mapangalagaan ang kalikasan. Siya rin ang nanguna sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig at La Mesa watershed.

Marami rin ang nagsabi na si Gina ang perfect na namuno ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) pero sandali lamang siya rito dahil hindi siya pinaboran ng Commission of Appointments.

Gina lived her life to the fullest serving people up to the very end.

Narito ang mensahe ni Charo Santos-Concio sa kanyang FB account:  “This is how I will remember my dear friend, Gina…always so passionate. When she is on to something, she will definitely do it with all her heart, mind and soul, whatever it takes.  When she would tell me her vision…the next thing I know, she’s already in the field doing something about it.  No wasted time…no wasted opportunities…for the love of the people, the country and the environment.

Gina, may your selfless heart inspire many more!! Thank you for the unconditional love.

Rest now, my friend!”

Docu sa pagsu-sundalo ni Matteo ilalabas na

Nakatakdang ipalabas ng Viva ang documentary ng pagpasok ni Matteo Guidicelli sa military training nito sa loob ng isang buwan sa Camp Tecson in San Miguel, Bulacan bilang isang army reser­vist. Makikita sa documentary ang hirap na pi­nag­daanan ni Matteo at iba niyang kasamahan. Ginawa ito not to commercialize the issue kundi para maunawaan ng publiko kung gaano kahirap ang buhay ng mga sundalo na nagsasakprisyo at naglilingkod sa bayan.

Natutuwa rin ang nobyo ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na marami na ang nagiging aware at sumasali bilang army reservist na ang pinakabago ay si Gerald Anderson at iba pa nitong mga kasamahan sa bakuran ng Star Magic although ginawa nila ito sa loob lamang ng tatlong araw at bilang preparasyon na rin sa isang bagong teleserye na gagawin nila  na may titulong A Soldier’s Heart.

Samantala, wala pang announcement ang Viva kung kelan sisimulan ni Matteo ang pelikulang Pedro Penduko na inatrasan ni James Reid na dalawang beses ginampanan sa pelikula ng singer-actor na si Janno Gibbs.

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with