^

PSN Showbiz

Geoff, mataba pa rin ang pakiramdam

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang ipinagbago ni Geoff Eigenmann mula nang magkaroon ng mga anak. Nag-iba ang pananaw sa buhay ng aktor nang dumating sina Arabella at Augustus. “They’re my angels. Sobrang my perspective in life has totally changed. I’m learning the world all over again through their eyes,” makahulugang pahayag ni Geoff.

Nakatutok din sa pag-aalaga sa dalawang bata ang aktor mula nang ipanganak ang mga ito. “Very, very hands on especially with my first born Arabella. We didn’t get a yaya until she was eight months old,” kwento niya.

Responsableng partner na ngayon si Geoff sa kanyang kasintahan na si Maya Flores. “Now hundred percent faithful and honest with her. And lahat ng bagay napag-uusapan namin and naiintindihan namin ang isa’t isa,” giit ng aktor.

Samantala, aminado si Geoff na hanggang ngayon ay may epekto pa rin sa kanya ang pagiging obese o mataba noong nagsisimula pa lamang sa show business. “During those times, I came from being obese. I was over 200 pounds before I went into show business. So low self-esteem was there. I still feel like a fat kid right now. Even though people are telling me that I’ve lost so much weight and I look so good. Mentally, physically, I still feel that my gut is there,” pagtatapat ni Geoff.

Heaven hindi napilit sa break up nila ni Jimuel

Kamakailan ay napabalitang nagkahiwalay na bilang magka­sintahan sina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao. Nilinaw ng aktres ang isyung ginamit niya diumano ang credit card ng binata sa isang grocery upang ipamili ang pamilya. “Hindi naman po kasi totoo. Gusto ko lang i-clarify ‘yung sa grocery, ne­ver happened ‘yon, di ko alam, di rin kami nag-grocery together,” paglilinaw ni Heaven.

May bulung-bulungan na hindi umano boto sa aktres ang mga magulang ni Jimuel na sina Senator Manny ay Jinkee Pacquiao kaya nagkahiwalay ang dalawa. “Okay din naman kasi with the family, also with Tita Jinkee and Tito Manny. Sila rin naman kasi nagsabi na okay naman and ako naman kasi, ayoko rin manligaw ‘yung guy kung hindi accepted din ng parents (ko),” paglalahad ng dalaga.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Heaven at Jimuel. Para sa aktres ay mas kailangan niyang pagtuunan ng panahon ang sarili sa kasalukuyan. “Siya na lang ang tanungin n’yo. Okay naman, I’m focusing on myself. I’m loving myself,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

GEOFF EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with