Sen. Bong Go & Phillip
True ba na laging nananalo sa casino?
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

Phillip Salvador pinakialaman ang speech ni Sen. Bong?! John Lloyd may hindi raw maibigay na kaligayahan kay Ellen!

Ang isyung ito rin tungkol kay Erich ang isa sa mga pinag-usapan kahapon sa no. 1 digital talkshow na Take It... Per Minute! (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin with Mr. Fu.

Kaya naman marami talaga ang tumutok lalo na ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa. Nakakaabot ang aming programa hanggang sa Iceland na hinihintay ng mga kababayan nating OFW doon ang pag-ere at paghimay at pagsaliksik ng mga intrigang pinakamaiinit at pinag-uusapan ng buong bayan.

Isa pang tinalakay na nag-umpisa sa blind item ay si Phillip Salvador.

True ba na nangingialam ito pati sa speech ni Sen. Bong Go? Nagulat daw kasi ang staff ng bestfriend na senador ng aktor nang minsan ‘i-edit’ ni Phillip ang speech ng kanilang boss. Editor na ba si Kuya Ipe? Hahaha. Windang na windang diumano ang mga staff sa ginawa ng aktor na ang sabi nga ay anino na ni Sen. Go.

Saka ang dami palang utang ng actor kung kani-kanino. Pati nga ba sa namayapang si FPJ at ngayon ay kay Manang Susan Roces? May nag-text kasi kay Nay Cristy na diumano ay may mga utang ito samantalang lagi naman itong nananalo sa casino? Whooaaa. True ba?

Isa pang pinagpiyestahan ng viewers ng TIPMMG ay ang tungkol sa diumano’y hindi na maibigay na ‘kaligayahan’ ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna kaya diumano ito  naghiwalay ayon sa source ni Nay Cristy Fermin.

Naging guest naman ng TIPMMG kahapon ang Kapuso young actress na si Pauline Mendoza, isa sa mga Beautederm ambassadors na official sponsor kahapon ng Take It... Ang ganda ni Pauline. Alam mong gumagamit ng Beautederm na pag-aari ni Ms. Rei Tan.

Pero ayaw niyang masyadong pag-usapan si Jeric Gonzales na umano’y naging BF niya pero itinanggi niya. Napapanood siya sa Love You Two sa kasalukuyan.  

ERICH GONZALES PHILLIP SALVADOR TAKE IT... PER MINUTE!
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with