Fans ni Angeline nagselos kay Kayla?!

Kayla Rivera

Possessive pala ang fans ni Angeline Quinto.

Inaaway-away ng ibang fans niya si Kayla Rivera na ex ni Tom Rodriguez at singer din nang makitang nakakapit ito sa isang photo op sa waist ni Erik Santos sa birthday celebration ng businesswoman na si Pinky Tobiano sa Haven for the Elders.

 As if magkarelasyon sina Erik and Angeline kung mang-imbyerna ang fans.

Si Kayla ang sinasabing GF na iniwan ni Tom nang maging sila ni Carla Abellana.

Yup, on pa raw sina Tom and Kayla nang maging item sina Tom and Carla na ngayon nga ay stable na relationship at parang pinag-uusapan na ang kasalan.

Show comments