Maja Salvador
Maja ayaw sumawsaw sa trouble ni Gerald!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2019 - 12:00am

Parehong single ngayon sina Janella Salvador at Joshua Garcia na parehong 21 years old.

Si Janella ay unang na-link sa kanyang ex-boyfriend at dating ka-loveteam na si Elmo Magalona habang si Joshua naman ay hiwalay na rin sa kanyang girlfriend of two years na si Julia Barretto na nahaharap ngayon sa matinding kontrobersiya dahil sa pagkaka-link ng young actress sa (ex?) boyfriend ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson.

Sina Janella at Joshua ay magkatambal ngayon sa upcoming TV series ng Kapamilya Network, ang gothic romance na The Killer Bride kung saan din tampok na mga bituin sina Maja Salvador at Geoff Eigenmann.

Sa general presscon ng The Killer Bride inamin ni Janella na may kung ilang beses na umano silang dapat magtambal ni Joshua pero hindi natutuloy at dito lamang sa nasabing serye naging totoo ang una nilang tambalan.

It was last October nang magkahiwalay sina Janella at Elmo habang sina Joshua at Julia ay nagkahiwalay lamang nitong May or June lamang at ang itinuturong dahilan ay ang pagkaka-link diumano ni Julia sa kanyang leading man sa Between Maybes na si Gerald na agad namang pinabulaanan ng dalawa.

Nanganak nang nanganak ang nasabing isyu at lumalabas ngayong `contravida’ si Julia sa hiwalayan umano nina Bea at Gerald.

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin sina Gerald at Julia ganundin si Bea pero ayaw naman makisawsaw ng The Killer Bride lead star na si Maja Salvador na isa sa mga naging ex-girlfriends ng actor na si Gerald.

Ang katwiran ni Maja, labas umano siya kung anuman meron ngayon sina Gerald at Julia dahil masaya siya ngayon sa kanyang lovelife sa piling ng kanyang nakabalikang businessman-boyfriend na si Rambo Nuñez.

Since balik na sa level ng pagiging mag-best friends ang relasyon ngayon ni Joshua at Julia, naaawa rin ang young actor sa kanyang ex-girlfriend at umaasa siya na ito’y malalagpasan ni Julia.  Mas gusto pa ngayon ni Joshua na pag-usapan ang kanyang bagong serye kung saan niya kabituin sina Maja at Janella.

Si Joshua ay huling napanood sa Ngayon at Kailanman primetime TV series na kanilang pinagtambalan ni Julia noong isang taon.

Something to look forward to ang first team-up nina Joshua at Janella na hinuhulaan ng marami na baka rin mauwi sa kanilang pagiging espesyal na magkaibigan.  Ang if ever that happens, wala naman sigurong magiging problema dahil pareho silang single ngayon.

JANELLA SALVADOR JOSHUA GARCIA MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with