Nadine
Nadine: ‘It’s nice enough na wala si James!’
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 26, 2019 - 12:00am

Simula August 7 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion. Matatandaang si Carlo Aquino naman ang nakatambal ng aktres sa pelikulang Ulan kaya ito na ang pangalawang proyekto na hindi kasama ni Nadine ang kasintahang si James Reid. “Hindi naman puwedeng laging magkasama kaming dalawa. It’s also a stepping stone that you grow together, you grow apart. It’s nice enough na wala si James. At least I have my own,” bungad ni Nadine.

Matalik na magkaibigan sina James at Sam kaya hindi raw pinagselosan ang huli nang gawin ng aktres ang bagong pelikula. Ayon pa kay Nadine ay maraming mga bagay ang natutunan niya mula kay Sam. “Vocal naman si James sa pagsasabing idol niya si Sam. So I’m comfortable working with him. Natutunan ko kay Sam to be yourself and to be comfortable with your body. Kaya ako naman, sobrang comfortable na ako with what I do,” pagbabahagi ng dalaga.

Aminado si Nadine na talagang mahirap gumawa ng isang dance movie. “Sa totoo lang napakahirap. Saka every time na nagre-rehearse kami ng production number talagang napakasakit sa katawan after the next day. Pero ako naman kasi ibang adrenaline rush ang naibibigay sa akin ng pagsasayaw. So kahit napakahirap, very passionate kami at nag-e-enjoy naman po kami,” pagdedetalye ni Nadine.

Bela, gustong bumalik sa Europe

Bukod sa teleseryeng Sino Ang Maysala: Mea Culpa ay kabi-kabilang pelikula rin ang tinatapos ni Bela Padilla. Muling magtatambal ang aktres at JC Santos para sa isang pelikulang ipalalabas sa susunod na taon. Kasama rin ang dalaga sa isang pelikulang kalahok naman sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2019.

“Yes, I have a movie for MMFF this year. So abangan n’yo na lang po ‘pag ini-announce na,” nakangiting pahayag ni Bela.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makapagbakasyon ng aktres upang makapagpahinga muna sa kabi-kabilang trabaho. “Honestly ‘pag nag-soap ka, that’s all that can keep you busy. I’m planning to go back to Europe this year. So I’ll see muna ‘pag baka bigla akong nagka-movie,” paglalahad ng dalaga.

Nalalapit na ang pagtatapos ng naturang serye kaya mas kaabang-abang umano ang mga eksena dito ngayon. “Well, since it’s our last three weeks, siyempre lahat ng revelations. We need to watch out kung kanino mapupunta si Leyna. So ang daming mangyayari of course sa buong barkada. Like kung saan-saan din kami pumupunta,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

BELA PADILLA NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with