Arci
Arci nag-perfect na ang ganda sa kakaparetoke!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

Hindi na siguro ie-extend pa ni Arci Muñoz ang patuloy na pagpapalit niya ng anyo via medical technology. Na-achieve na  niya ang pinaka-magandang itsura niya. Gandang-ganda sa kanya ang maraming manonood ng TV nang mag-guest siya’t maging judge ng It’s Showtime. Her fans are hoping na ang looks niya that particular day ay huling pagtatangka na  niya para gumanda.

Litong-lito na kasi sila na iba ang itsura niya kapag napapanood nila siya eh, maganda na siya to start with. 

Nadine, umayaw Aga-Bela may chemistry rin!

Hindi maganda para kay Nadine Lustre kung totoong nag-back out siya sa Metro Manila Film Festival 2019 movie niya with Aga Muhlach. Marami na ang excited sa pakikitambal niya  sa guwapo at magaling na aktor. Knows nila na malaki ang magagawa nito para mas mapataas pa ang estado ng ka-loveteam ni James Reid na napatunayan nang kaya nang magsolo at gumawa ng pelikula nang hindi kasama ang kanyang nobyo on and off the silver screen. Dahil sa kanyang kabisihan, minarapat ng produksyon na gagawa rin ng film nila na may koneksyon din ang Viva na palitan siya ni Bela Padilla.

Pero, baka hindi rin ito mangyari dahil mas itinutulak ng Viva ang karera ni Nadine na isa nilang artist. Magagawan nila ng paraan para mapagaan ang schedule ni Nadine. Paro, come to think of it, magandang kumbinasyon ang Aga/Bela.

Jinkee nakipagsabayan kay Catriona

Hindi nagpatalo si Jinkee Pacquiao sa beauty ni Miss Universe Catriona Gray na kabilang sa entourage ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pagpasok nito ng MGM Grand sa Las Vegas na kung saan ay ginanap ang laban  ng senador kay Keith Thurman.

Sumabay si Mrs. Pacquiao sa ganda ni Catriona at lumamang pa siya dito dahil  ang kamay niya ang hawak hawak ng 8 division boxing champ.

MPBL pinalalakas ng mga artista

Mas lalakas pa at sisikat ang itinatag ni Sen. Manny Pacquiao na Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kapag madaragdagan  pa ang mga manlalaro nito na artista.

Marami namang mga artista ang magaling sa sport na ito sa ngayon ay umaamot na kasikatan bilang mga basketbolista sina Gerald Anderson at Xian Lim.

Si Gerald nga ay mas nakatuon ang pansin sa paglalaro sa Imus Bandera habang si Xian ay medyo na-sidetrack  ng kanyang pagdidirek at pagsulat ng pelikula for the first time. Baka kapag nakatapos siya ng debut movie niyang Tabon ay pwede na siyang maging mas aktibo sa koponan  niyang Mandaluyong El Tigre. Magugulat ang mga basketball fans kapag nalaman ang identity ng huling artista na papasok ng MPBL.

ARCI MUñOZ JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with