Rocco Nacino
Rocco gusto na ring magsundalo
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang balita na habang tumatagal, lalong napapansin ng production staff ng The Better Woman ang extra closeness nina Derek Ramsay at Andrea Torres. May pustahan na hahantong sa relas­yon ang closeness nina Derek at Andrea bago matapos ang primetime television series nila sa GMA 7.

SCENE: Given the chance, gusto ni Rocco Nacino na magsilbi sa bansa dahil nakita niya ang mga sakripisyo ng mga sundalo sa dalawang araw na training ng male cast ng Descendants of the Sun sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija. Si Rocco  ang gaganap na Wolf sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.

SEEN: Spotted sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Powerplant Mall noong July 18 nang tanghali, 1 pm. Hindi kaagad napansin ng mga tao ang presence ng dalawa dahil simpleng-simple lang ang mga ayos nila.

SCENE: Ang Beautiful Justice ang project na ibinigay kay Gabbi Garcia ng GMA 7 matapos i-shelve ang Rosang Agimat dahil sa pagpanaw ng veteran actor na si Eddie Garcia. Ang Rosang Agimat sana ang biggest television break ni Gabbi.

SEEN: Mapapanood ngayong umaga sa ABS-CBN ang telecast ng boxing fight nina Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada. Si Senator Pacquiao ang pinapaboran nina Marco Antonio Barrera at Juan Manuel Marquez na mananalo sa laban ng Pambansang Kamao kay Keith Thurman.

SCENE: Going strong ang limang taon na relasyon ni Dionisia Pacquiao at ng kanyang young boyfriend na si Michael Yamson. Kasama ni Mommy Dionisia si Michael sa Las Vegas dahil panonoorin nila ngayon ang Pacquiao-Thurman fight.

ROCCO NACINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with