Nadine Lustre
Nadine masaya para kay Jane
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2019 - 12:00am

SCENE: Ang gumanap ng mga “gray” character sa pelikula ang pangarap ni Race Matias pero ipinauubaya niya sa Viva Artist Agency ang pamamahala sa kanyang showbiz career.     

SEEN: Hindi naniniwala ang ilang miyembro ng entertainment press sa statement ni Vitto Marquez na hindi pa ito nagkakaroon ng girlfriend mula nang isilang siya. Si Vitto ang 23-year-old youngest son nina Joey Marquez at Alma Moreno.

SCENE: Tulad ni Race Matias, magaling na dancer si Vitto Marquez at mapapanood din ito sa Indak, ang dance movie ng Viva Films. Tanggap ni Vitto na minana niya ang husay sa pagsasayaw mula sa kanyang nanay na si Alma Moreno.

SEEN: Sina Nadine Lustre at Sam Concepcion ang lead stars ng Indak, ang movie directorial debut ni Paul Basinillo. Co-stars nina Nadine at Sam sa Indak sina Julian Trono, Andrew Muhlach at ang ilang miyembro ng G-Force Dancers.

SCENE: “I’m really happy na si Jane ang nakuha,” ang sagot ni Nadine Lustre nang tanungin tungkol sa pagkakapili kay Jane de Leon ng Star Cinema executives para gumanap na Darna. Kahit may desisyon na ang Star Cinema people, marami pa rin ang naniniwala na karapat-dapat si Nadine na gumanap na Darna.

SEEN: Sa lahat ng mga aktres na gumanap na Darna, si Jane de Leon ang pinakabaguhan dahil mga kilalang artista na sina Vilma Santos, Rio Locsin, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Rosa del Rosario at Gina Pareno nang gampanan nila ang karakter ni Darna sa pelikula. Si Vilma Santos ang pinakamatagumpay na aktres na gumanap na Darna dahil apat na Darna movies ang pinagbidahan niya, ang Lipad, Darna, Lipad!, Darna and the Giants, Darna vs the Planet Women at Darna at Ding.

SCENE: Ginunita kahapon, July 19, ni Gloria Diaz ang 50th anniversary ng tagumpay niya bilang kauna-unahang Pilipina na nanalo ng Miss Universe crown noong 1969 (July 20, Philippine time). Ginanap ang 18th edition ng Miss Universe sa Miami Beach, Florida, USA.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with