Dennis shocking ang ginawa sa Magpakailanman

MANILA, Philippines — Muling ipapamalas ni Dennis Trillo ang husay niya sa pag-arte sa Magpakailanman bukas, Sabado.  “Ito na rin marahil ang pinakamabigat na kwentong aking nagampanan sa buong career ko bilang artista.”

Shocking naman kasi ang role ng actor sa episode na pinamagatang Patawad Ama Ko, bilang si  Samuel, isang kriminal na pinatay, niluto, at kinain ang kanyang sariling ama dahil sa isang mental na kalagayang hindi niya alam kung paano matatakasan.

Grabe hindi nga naman madaling gawin ‘yun. Nabasa mo pa nga lang, parang nanginginig ka na meron palang ganung pangyayari.

Kaya ‘wag palalampasin ang Magpakailanman, ngayon Sabado (July 20) sa GMA-7.

Show comments