^

PSN Showbiz

Catriona nabiktima ng kadiliman sa New York

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Catriona nabiktima ng kadiliman sa New York
Catriona

Isa si Miss Universe Catriona Gray sa naapektuhan sa malawakang brownout kahapon sa New York.

Nagkaroon nga ng power outrage sa Manhattan (New York) kahapon (Sabado doon) at kasama sa mga naapektuhan ang Broadway theaters, subways at pati ang malalaking billboards sa Times Square. Marami rin daw ang na-trap sa elevators.

“Mga besh I’m still in the dark. And my powerbank is on its last light. Gonna just try and sleep soon! Hope my fellow new yorkers were safe in the blackout! Thanks for all the questions you sent in! I love you all!!,” tweet ni Miss U kahapon.

Ayon pa sa report ng Agence France-Presse, aabot sa 42,000 costumers ang nawalan ng kuryente.

Sa tweet ng kanilang Mayor, ang nasabing outrage ay dahil sa ‘manhole fire’ pero binawi niya ito at sinabi sa CNN na kasalukuyan pa itong iniimbestigahan.

Kaya naman nag-piyesta ang social media users sa pagpo-post ng mga picture nilang madilim ang paligid.

At tulad sa atin, “Looting and vandalism then broke out, affecting more than a thousand businesses,” sabi pa sa report ng AFP.

Marami raw naaresto pagbalik sa normal ang supply ng kuryente nila.

Well, hindi yan nalalayo sa atin sa kasalukuyan. Grabe, 4:00 a.m. pa lang, wala na ngayong supply ng tubig at mga 5:00 p.m. na babalik.

Madalas na ring sira ang linya ng internet. At ang the height, may warning ang Meralco na magkakaroon daw ng power interruption.

Whoaaa. Pa’no na?

Anyway, at least sa New York bumalik agad ang kuryente. Pero dito kaya sa atin, kelan babalik sa normal ang water supply? O ang internet?

Pray na lang tayo na umulan at dumami ang tubig sa Angat Dam.

Pelikulang palabas walang ingay?

May palabas na bang pelikulang Tagalog sa Miyerkules? Hmmm, wala akong naririnig.

Though heard na dalawang pelikula ang for review ngayong araw ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Or kung meron siguro, obviously walang ingay.

Three weeks nang walang palabas na bagong pelikula sa mga sinehan ha. Nakakaalarma na. Ang pambawi na lang, ang papalapit na Pista ng Pelikulang Pilipino, Cinemalaya and Metro Manila Film Festival na kasado na ang mga kasaling pelikula.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with