Maraming bagyo nakapila na!

Sa sunud-sunod na pagdating ng bagyo, sana ay mapuno na ang Angat Dam para mabawasan na ang malaking problema sa tubig sa ating bansa. Hanggang ngayon kasi, after all the rains ay nasa critical level pa rin ang pinagkukunan ng tubig ng maraming lugar sa Kamaynilaan. Pero paano ba ito mareresolbahan ng ulan kung ang susunod na bagyo ay sa Visayas at Mindanao mananalasa? Konting dasal pa siguro ng sama-sama at sabay-sabay para marinig tayo ng Diyos.

Ilang sidewalk at illegal vendors naghanap na naman ng bagong mga puwesto!

Pumunta ako sa Quiapo para bumili ng beads para sa ginagawa kong kurtina. I was confident na wala akong magiging masyadong problema dahil nalinis na ang Quiapo, napanood ko pa sa TV. 

Totoong wala na ngang masyadong vendor sa papasok ng simbahan, kaso mga truck ng bombero naman ang halos pumuno at nagpasikip sa lugar. Binasa ito ng todo na maaaring maging panganib para sa mga katulad kong senior citizen.

Wala na nga ang mga nagtitinda ng mga aksesorya ng mga motor, pero lumipat naman silang lahat sa sidewalks ng Quezon Blvd. kaya tuloy ang mga tao ay sa kahabaan ng kalsada naglalakad.

Nagsiksikan ang mga tindero sa mga bangketa na dapat sana ay para sa mga pedestrian. Oo nga’t nabawasan ang traffic, pero nahirapan akong makarating sa simbahan.

Nag-try akong dumaan sa side ng mga bangketa, pero masyadong siksikan. Ilang ulit pa akong nakabangga ng tinda, nasabihan tuloy akong mag-ingat sa paglalakad para hindi na ako makahulog ng tinda. Talagang ang sikip sikip! Ang mga nasa edad ko ay wala nang masyadong balanse.

Next time papasyalan ko naman ang Divisoria, Lawton, atbp. I’m giving Mayor Isko Moreno more time to do his job and may God bless him.

Mahirap kasi yung trabaho niya lalo’t talagang matitigas ang ulo nating mga Pinoy

Alyssa waging MVP

Malaking tulong sa unang mo­vie ni Alyssa Valdez na My Letters to Happy ang pagkakapili sa kanya bilang MVP sa ginaganap na Reinforced Philippine Volleyball League (PVL).

Makakatulong ng malaki sa first movie niya ang pagkakaroon niya ng napakalawak na following. Sana naman ay nagawa ni direktor Partee Brinas na kasing ganda ang role niya sa mga bidang sina Glaiza de Castro at TJ Trinidad para masiyahan ang fans niya at mabigyan pa siya ng follow up film.

Luis ayaw nang maikonek ang pangalan kay Angel

Huwag niyo nang asahan ang pagdalo ni Bela Padilla sa kasalang Angel Locsin at Neil Arce. Bihirang dumalo ang mga ex sa kasal ng dati nilang karelasyon. Nakakahiya nga naman dahil baka maka­gulo pa sila sa ikakasal o maintriga sila.

Kaya nga si Luis Manzano, hindi niyo maaasahang makita sa kasal ni Angel. Yun nga lang engagement ay iniintriga na sila ni Jessy Mendiola, paano pa kaya kung makita siya sa wedding o magsalita man lang about the engagement.

Sana ay maiintindihan siya ng mga intrigero’t intri­gera dahil ayaw nga niyang makisawsaw sa event. Galit siya sa mga nagdadawit ng pangalan nila ni Jessy sa isyu. Patahimikin niyo siya.

Show comments