^

PSN Showbiz

Edward ayaw padaig kay Maymay

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Edward ayaw padaig kay Maymay
Edward

Hindi lamang si Maymay Entrata ang soaring high with her showbiz career and fashion skills, maging ang ka-loveteam niyang si Edward Barber ay nag-i-effort para makasabay sa kanya at hindi niya mapag-iwanan at mapanatili ang kasikatan ng kanilang loveteam kasabay ng pagkakaroon din nila ng solo career.

Matagumpay ang kauna-unahan nitong serye sa TV na Hiwaga ng Kambat na kung saan siya ay kambal ni Sunshine Cruz na nahiwalay dito nung siya ay sanggol at lumaki siyang hindi sila magkakilala. Ganun din ng ama niyang si Epy Quizon at kakambal na si Grae Fernandez.

Ang dalawa ang magkasamang tumutugis sa kanya sa bintang na siya ang naghahasik ng gulo sa lugar na kanyang kinalakihan.

Bukod sa kanyang serye, isa na ring VJ ng MYX si Edward na balak niyang seryosohin simula nang una siyang mag-guest at maging celebrity VJ dito ilang taon na ang nakakaraan.

JC may pelikula na ulit!

Malulunasan na ang pagka-miss ng marami kay JC Santos. Meron kasi itong pelikula na makakasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 sa buwan ng September. Baka mag-abot pa ang PPP at ang Cinemalaya Philippine Film Festival na gaganapin naman sa buwan ng August. Ito ang Open na kung saan ay magkapareha sila ni Arci Muñoz, sa direksyon ni Andoy Ranay.

Marami ang nalulungkot dahil baka mag-abot pa ang PPP at Cinemalaya at magkaapektuhan pa ang dalawang films. Baka wala nang budget at nagastos na ng manonood eh, magaganda rin naman ang mga entry ng Cinemalaya. Bukod sa Open, sali rin sa PPP ang LSS (Last Song Syndrome) ni direktor Jade Castro starring Gabbi Garcia at Khalil Ramos; Cuddle Weather (Rod Marmol), Sue Ramirez, RK Bagatsing; Panti Sisters (Jun Lana Robles), Paolo Ballesteros, Christian Bables, Martin  del Rosario; G (Dondon  Santos), McCoy de Leon, Jameson Blake , Paulo Angeles, Mark Oblea;  I’m Ellenya. L (Boy 2 Quizon), Inigo  Pascual, Maris Racal; Watch Me Kill (Tyrone Acierto), Jean Garcia, Jay Manalo, Junyko Santarin; Circa (Adolfo Alix, Jr.), Anita Linda, Gina Alajar, Laurice Guillen, Elizabeth Oropesa, Jaclyn Jose, Ricky Davao, Enchong Dee; Lola Igna (Eduardo Roy, Jr.), Angie Ferro, Yves Flores, Meryll Soriano, Ma. Isabel Lopez; Pagbabalik ( Hubert Tibi/Maria Romillo), Gloria Sevilla, Suzette Ranillo, Vice Ranillo, Alora Sasam.

Ang tatlong nahuling movies ay bahagi ng 100 showcase para sa 100 years of Philippine Cinema.

Kim sumisikat na

Panahon na siguro ngayon ni Kim Molina na kasama sa napapanood ngayon sa Rak of Aegis at isang magaling na singer pero bumabandera rin sa pag-arte sa Kadenang Ginto, The General’s Daughter at sa serye ng iWant na Momol Nights na kung saan ay pumayag siyang makipaglampu­ngan kay Kit Thompson na ikinagulat ng marami niyang followers, pero hindi ikinagalit ng mga magulang niyang parehong dentista at Saudi based o ikinaselos ng boyfriend niyang si Jerald Napoles. Magaling na singer si Kim pero bukod sa pagkanta ay pagiging komed­yana ang pinupuntirya. Wagi naman siya kaya nanggulat siya ng mga manonood nang pumayag siyang magkaro’n ng lovescenes sa TV.

Sen. Grace Poe may bill para sa local showbiz

Finally, meron nang bill na ginawa si Sen. Grace Poe at ipinasa sa Senado para sa local showbiz. Ito ang Philippine Independent Film Incentives Act of 2019 na may layong palawakin pa ang paggawa ng indie films at i-promote ang film tourism. P5M ang ipagkakaloob sa production outfit na gagawa ng award-winning films. Malaking tulong din ang bill para sa promotion ng tourism sa mga local films na magbibigay din ng kabuhayan sa mga mamamayan.

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with