Daniel at Karla
Daniel pinaiiral ang pagiging seloso sa nanay
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2019 - 12:00am

Kung si Daniel Padilla lamang daw ang masusunod ay ayaw na niyang magkaroon ng karelasyong muli ang inang si Karla Estrada. Aminadong may pagkaseloso ang aktor pagdating sa pakikipagrelasyon ng ina. “Lumaki ako na marami rin akong nakilala. Alam naman natin ‘yon na may darating at darating. Pero pinag-usapan namin ni Mama, kapag mature na siya, kapag hindi na siya baby,”natatawang pahayag ni Daniel.

“Pinag-usapan na namin ‘to, kapag nagmamahal ka madamot ka talaga. Parang nag-walkout lang ako (noong nag-usap kami),” dagdag pa ng aktor.

Para naman sa Magandang Buhay host ay mas mabuting magkaroon sila ng kasunduan ni Daniel kung sakaling hindi na nga makapag-aasawa si Karla. “Ganito na lang anak, mag-compromise tayo. Hindi na ako mag-aasawa hanggang pagtanda pero kasa-kasama mo ako kahit saan. Kahit saan kayo magpunta ni Kathryn (Bernardo), ‘I’m just here,’ gano’n. Because hindi mo ako binigyan ng buhay ko. So habang buhay,” pabirong sagot ni Karla sa anak.

Matatandaang tatlong buwan na ang nakalilipas nang nabanggit ng aktres sa isang pahayag na hinahanap-hanap na nitong magkaroon ng nobyo.

McCoy masaya kina Jameson at Elisse

Magkakasama sa pelikulang G! ang Hashtags members na sina McCoy de Leon, Paulo Angeles at Jameson Blake mula sa Cineko Productions. Kabilang din sa nasabing barkada movie sina Mark Oblea at Kira Balinger. Ayon kay McCoy ay talagang maganda ang istorya ng kanilang bagong proyekto. “Ako po si Sam dito, isa akong football player. Ang pinaka-adventurous sa barkada pero may cancer. No’ng nabasa ko ‘yung script, ‘Paano namingagawin ‘to?’ sobrang talon sa bangin ‘yung mga eksena,”pagbabahagi ni McCoy.

Masayang-masaya ang aktor dahil mas madali ang naging trabaho sa bagong pelikula dahil mga kaibigan din ang kasama rito. “Nakakatuwa po, aminin natin sa industriya kadalasan ‘yung shoot may labanan ‘yan, paga­lingan, kumpetensya. Ito wala eh, napakita namin ‘yung character namin na iba-iba po,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig ay pahinga muna raw si McCoy. Walang karelasyon ang aktor ngayon matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Elisse Joson noong isang taon. 

“Single po ako ngayon dala nga po ng mga nangyari pero pahinga muna po sa love. Kasi masarap po magtrabaho, masarap po mag-ipon for the future. Hindi nadala, siguro napagod din, pero masarap po magtrabaho ngayon,” makahulugang pahayag niya.

Napabalitang si Jameson ang bagong nauugnay kay Elisse na ayon kay McCoy ay nagpaa­lam pa sa kanya ang kaibigan noon kung maaaring ligawan ang dalaga. “Masarap din ‘yung feeling na ‘yung kaibigan mo maging masaya din. ‘Yon ang thinking ko eh. ‘Yung kaibigan ko maging masaya, kaysa naman panay negative, punung-puno na nga ‘yung mundo ng husgahan, sasabay pa ako. Kaya no’ng nagtrabaho kami (ni Jameson), kinamusta ko pa nga sila eh. Ako ‘yung lumalapit, wala naman sa akin ‘yon. Mas focused ako sa kasiyahan ng kaibigan ko,” pagbabahagi ni McCoy.

Sa ngayon ay mas masaya ang aktor na walang permanenteng katambal sa mga proyektong ginagawa. “Mas okay, tinanggap ko nang gano’n. Alam ko na no’ng una pa lang. Marami din naman kasing nagsabi sa akin na in time din pwede ka maiba ng path. Ito na nga po, nangyari na sa akin. Sobrang thankful ako nadaanan ko na  po ‘yon. Masaya ako kasi na-experience ko, may natutunan ako, di ko naman po pinagsisihan,” pagtatapos ng aktor. (Reports from JCC)

DANIEL PADILLA KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with