^
ABS-CBN hindi nawawalan  ng pag-asa sa franchise! ,Ted at Noli nadawit sa isyu?
Ted Failon at Noli de Castro

ABS-CBN hindi nawawalan ng pag-asa sa franchise! ,Ted at Noli nadawit sa isyu?

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2019 - 12:00am

Hindi nawawalan ng faith / hope ang ABS-CBN management sa nakabinbin nilang franchise na officially ay magi-end sa March 2020.

“Habang may buhay, may pag-asa,” ang dialogue ng isang executive ng Kapamilya Network nang tanungin namin tungkol sa pinag-uusapang renewal ng franchise ng ABS-CBN na naka-schedule i-refile sa opening ng Congress next month.

Pero true kaya na nung administration pa ni former president Noynoy Aquino ay nagre-renew na ang ABS-CBN ng nasabing franchise dahil nga hindi nila alam kung sino ang susunod na presidente noon (a year before his term ends) pero mismong ang dating presidente ang diumano’y ‘humarang’ dahil galit siya noon kina Noli de Castro at Ted Failon. Ang rason diumano binibira siya at ang cabinet members niya ng dalawang batikang broadcasters.

Ngayon ay binabantayan kung anong magiging kapalaran ng refile ng network sa congress.

Anyway, may mga pangalan na rin ng mga negosyante na lumulutang na magiging bagong owner diumano ng ABS-CBN like si Mr. Dennis Uy and Enrique Razon? “Have faith little one (‘til your hopes and your wishes come true),” sabay tawa ng nasabing executive na masarap katsika.

By this time, hindi pa siguro iniisip ng mga congressman ang nasabing usapin ng franchise dahil aligaga pa rin sila sa kung sino ang susunod na speaker of the house.

At any rate, bukas ang pahinang ito sa kung anumang maaaring pahayag ni former Pres. Aquino.

ABS-CBN MANAGEMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with