Pacman Kapamilya na uli!

Manny Pacquiao

SEEN: Nag-umpisa na ang taping para sa The Voice Kids at sina Lea Salonga, Bamboo Mañalac at Sarah Geronimo uli ang mga coach ng singing competition ng ABS-CBN na ipapalit sa Idol Philippines.

SCENE: Puro close up shot ang mga eksena ng lead star ng isang drama series dahil hindi na maitago ang pagtaba niya. Nahihirapan na ang lead star na magbawas ng timbang mula nang tumuntong siya sa edad na trenta.

SEEN: Suportado ng mga residente ng Maynila ang plano ni Isko Moreno na ibalik ang lost glory ng kanilang siyudad. Gumanda at luminis ang Maynila sa panunungkulan noon ni dating Mayor Lito Atienza pero binuwag ng successor nito ang mga project na ipinatupad niya kaya bumalik sa sorry state ang lungsod.

SCENE: Exclusive na mapapanood sa ABS-CBN ang boxing fight ni Senator Manny Pacquiao at ng American boxer na si Keith Thurman sa July 21, 2019 sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada. Dating napapanood ang mga boxing fight ni Pacquiao sa GMA-7.

SEEN: Sina Iza Calzado at Shaina Magdayao ang leading ladies ni Alfred Vargas sa mainstream movie na MLAHKNYC. Kukunan ang mga eksena ng MLAHKNYC sa Manila, Hong Kong at New York at uumpisahan ang shooting nito sa susunod na buwan.

SCENE: Apektado ng paghihiwalay nina Song Joong-ki at Song Hye-kyo ang Descendants of the Sun theme park sa South Korea. Kinansela ng theme park management ang Annual Couple Festival tuwing July dahil sa diborsyo ng Song-Song couple. Ang mga set na ginamit sa 2016 hit Korea­novela na Descendants of the Sun ang main attraction ng theme park.

Show comments