Pasilip ng Kathryn-Alden movie, milyun-milyon agad ang views

Kathryn Bernardo at Alden Richards

Mukhang pabor ang fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang first team-up sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia Molina under Star Cinema na kinunan pa mismo sa Hong Kong.

Maganda ang feedback ng trailer na humamig na agad ng milyun-milyong views ng unang tambalan nina Kathryn at Alden kaya ngayon pa lamang ay all out na ang kanilang promo para ma-promote nang husto  ang pelikula na nakatakdang ipalabas sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Ang Hello, Love, Goodbye ay hindi lamang unang tambalan nina Kathryn at Alden kundi ito rin ang kauna-unahang pagkakataon ng Kapuso prized actor na makagawa ng pelikula sa bakuran ng Star Cinema.  Bukod pa ito sa first time rin ni Alden na makatrabaho ang box office director na si Cathy Garcia-Molina.  Kasama rin sa nasabing pelikula sina Maymay Entrata, Joross Gamboa, Kakai Bautista at iba pa.

Naniniwala pareho sina Kathryn at Alden na magugustuhan ng mga manonood ang  kanilang movie  dahil napakaganda umano ng pagkakagawa at  pagkakadirek  ni Cathy sa pelikula at sulit umano ang kanilang isang buwang pamamalagi sa Hong Kong.

Andi klinaro ang pang-iiwan sa showbiz

Any day this month ay nakatakdang isilang ni Andi Eigenmann ang kanyang magiging second daughter with her new partner, ang surfer from Siargao na si Philmar Alipayo.  Ang panganay ni Andi na si Ellie, now 7 ay anak niya sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Natutuwa naman ang ina ni Andi, ang award-winning actress na si Jaclyn Jose dahil magiging dalawa na ang kayang apo na parehong babae. Si Andi ay may half-brother sa kanyang ina, ang 18-year-old na si Gwen Garimond Ilagan Guck na gusto ring mag-artista.

Samantala, klinaro ni Andi na hindi umano siya tumalikod sa kanyang acting career.  Open pa rin umano siyang gumawa ng TV and movie  projects kapag siya’y nakapanganak na although sa Siargao pa rin siya magbi-base with her new partner.

Show comments