Jake Cuenca
Jake, gusto uling sumubok sa stage play
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling magbida ni Jake Cuenca sa isang stage play.

Matatandaang nakapagbida ang aktor sa Lungs noong isang taon kung saan nanalo si Jake bilang Best Actor in a Play mula sa Broadway World. “Sabi ko sa sarili ko at least once a year, o kung kaya twice a year, or ‘pag off season ako sa teleserye or sa movies, gagawa talaga ako ng play. Kasi feeling ko as actors, siguro payo ko sa mga aspiring actor or actor na rin ngayon, hindi mo talaga mararamdaman ‘yung kakayahan mo bilang artista, o hindi mo mae-enjoy ‘yung acting talaga until you try theater,” paliwanag ni Jake.

Labis na hinihikayat ng binata na subukan din ng mga katulad niyang mainstream artist ang pag-arte sa teatro. “Kung ang TV, writer’s medium ‘yon, kung ang film ay director’s medium, ang theater naman, that’s an actor’s medium. Kumbaga, tayo ang may hawak ng kapalaran natin as actors. At doon mo mararamdaman ‘yung theater na kontrolado mo ‘yung audience, at nabubusisi mo ‘yung piyesa,” pagtatapos ng aktor.

Mickey, kuntento sa pagiging choreographer

Isang taon na ngayon si Raffy na anak ng mag-asawang sina Gee-Ann Abrahan at Mickey Perz. Unang nagkakilala sa Pinoy Big Brother ang dalawa kung saan ay naging housemates sila.

Ayon kay Mickey ay talagang nagbago ang buhay nilang mag-asawa mula nang magkaroon ng anak. “It’s so amazing almost everyday how she changes within the day. Every time I come home, the following day Raffy is different, like more happier. Parang sponge siya, if she sees or hears something she would mimic it. We are still in the state where until now we are asking ourselves, ‘Wow! May baby na tayo.’ We’re blessed that she’s a very happy baby,” nakangiting pahayag ni Mickey.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng actor-choreo­grapher kung susundan na nila kaagad ang panganay nila ni Gee-Ann. “For boys it’s generally easier right? It’s a bit different for women, the recovery period, and then emotionally pa. It’s still up to her. It’s not really planned kasi Raffy came out of nowhere. We were open to having a kid already but we weren’t saying we had to do it now. Baka mangyari lang bigla. So sana if it happens, then it happens,” giit niya.

Sa ngayon ay abala si Mickey sa sariling dance studio at pagiging choreographer sa It’s Showtime. Hindi raw niya hinahanap-hanap ang pag-arte at pagsasayaw sa harap ng kamera.   (Reports from JCC)

JAKE CUENCA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with