Joross Gamboa
Joross Nagsuka nang nagsuka sa shooting
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

Muntik na palang hinimatay si Joross Gamboa sa shooting nito sa Bacolod nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Kasama si Joross sa pelikulang Project: Alpha Kid, ang launching movie ng baguhang aktor na si Javi Benitez.

Kuwento ni Joross nang nakasama namin sa Piña Festival sa Ormoc City kamakalawa lang, ang dami raw na action scenes na ginawa nila, at medyo hirap siya dahil kulang pa raw siya sa tulog.

Mausok pa raw doon sa set kaya kinapos siya sa paghinga.

Napatigil daw siya sandali at nagsuka nang nagsuka. Naramdaman na raw niyang parang mahihimatay na siya kaya tumigil ito at napaupo.

Pero kumpleto sa Paramedics doon sa set kaya nabigyan agad siya ng first aid.

“May ambulansya sa set namin. Hindi inabot ng 30 minutes ang pag-attend nila sa akin,” pakli ni Joross.

Dagdag pa raw kasi sa pag-aalala ni Joross ay nabalitaan niyang nabagok ang ulo ng panganay niyang anak. Kaya 48 hours daw itong minu-monitor.

Isiningit lang niya talaga ang pagpunta ng Ormoc dahil request  din ni Mayor Richard Gomez na naka-close na niya nang magsama sila sa Three Words To Forever.

Samantala, puring-puri naman ni Joross si Javi. Bagay daw talaga mag-aksyon dahil iba raw pag kumilos sa mga action scenes nito.

Parang Indonesian actor daw ang look ni Javi na iba ang dating. Kaya sana raw mabigyan ng chance ang baguhang aktor na mapatunayang may K siya sa showbiz.

Bukod kay Joross, kasama rin sa pelikulang ito sina Tonton Gutierrez at Sue Ramirez.

Juliana walang balak mag-artista! Lucy ramdam na kaya pang magbuntis

Napag-usapan namin ng mag-asawang Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres sa gitna nang pagdiriwang ng Piña Festival ang interes nilang magka-baby.

Nabanggit nga raw ni Mayor Goma kay Cong. Lucy na subukan nilang magpa-freeze ng kanilang eggs at sperm cells na idaan sa IVF para mabuntis uli si Cong. Lucy.

Sabi naman ni Mayor Goma, tingin niya kaya pa ni Cong. Lucy na mabuntis kahit 43 years old na ito.

Singit ni Cong. Lucy, “oo naman! Gulay gulay lang yan!”

Medyo hesitant si Cong. Lucy dahil na rin sa pagiging relihiyosa niya.

Naniniwala siyang kung ibibigay sa kanila ng Diyos na magka-baby uli, ibibigay ito sa kanila.

Hiningan namin ng reaksyon ang nag-iisa nilang anak na si Juliana.

Okay naman daw siya kung iyun ang gusto ng mga magulang niya.

“If that’s what they wanna do. As long as it makes them happy. Support,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Wala naman daw siyang kontra kung magkaroon pa siya ng kapatid, basta masaya raw ang buong pamilya.

“That’s God’s plan. I’m really okay with it. People kasi get this ano....parang they assumed na ayoko. I want to be the only one. I’m okay with siblings,” dagdag niyang sagot sa amin.

Natawa rin siya sa kuwento ng Mommy niya nang kinuha siyang prom date ng anak ni Aga Muhlach na si Andres.

Nagulat nga siya nang sinabi naming gustung-gusto sila ng mga netizens.

Open ba si Juliana sa ideyang magka-loveteam sila nil Andres?

“Friendship muna puwede?” mabilis niyang sagot sa amin.

Tingin daw niya malabo namang mangyari iyun dahil pareho naman silang hindi artista.

Pursigido si Juliana na makapagtapos ng Pre-Law. Kukuha siya ng kursong Public Administration sa UP at naka-focus din daw siya sa Volleyball.

Kaya wala talaga sa plano niya ang pag-aartista.

JOROSS GAMBOA LUCY TORRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with