Sa seremonyas, iprinesenta ng militar ang watawat ng Pilipinas kay Lilibeth Romero, na ilang dekada nang kinakasama ni "Manoy."
The STAR/Miguel de Guzman
Eddie Garcia binigyan ng 'military honors' ng Army sa kanyang burol
James Relativo (Philstar.com) - June 24, 2019 - 1:46pm

MANILA, Philippines — Binigyan ng military honors ng Philippine Army ang beteranong aktor at direktor na si Eddie Garcia habang nasa kanyang lamay sa Heritage Park, Taguig nitong Linggo.

Nagsilbi kasi bilang parte ng Philippine Scouts si Garcia noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang italaga sa Okinawa, Japan kasama ang US Army.

Sa seremonyas, iprinesenta ng militar ang watawat ng Pilipinas kay Lilibeth Romero, na ilang dekada nang kinakasama ni "Manoy."

Biyernes nang irekomenda ni Senior Citizens party-list Rep. Francisco Datol Jr.  na maparangalan ng hukbo si Garcia.

"As Vice Chairman of the House Committee on Senior Citizens Affairs and Member of the House Committee on Veterans Affairs, I ask the Philippine Army and the Philippine Veterans Affairs Office to immediately carry out the necessary military honors and benefits for Philippine Scouts Veteran Eddie Garcia," sabi ng mambabatas.

(Bilang vice chairman ng House Committee on Senior Citizens Affairs at miyembro ng House Committee on Veterans Affairs, hinihingiling ko sa Philippine Army at Philippine Veterans Affairs Office na garang bigyan ng parangal pang-militar at benepisyo para sa mga beterano ng Philippine Scouts si Eddie Garcia.)

Layon din ni Datol na maipangalan ang isang sekundaryang paaralan sa probinsya ng Sorsogon, na kanyang pinanggalingan, sa yumaong aktor.

Ipinaabot naman ng Army ang kanilang pakikiramay sa pagkawala ni Eddie, na pumanaw Huwebes ng hapon sa Makati Medical Center.

"The Philippine Army condoles with the family of the late Eddie Garcia. We admire him not only as an actor but as a fellow comrade-in-arms," sabi ni Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala sa ulat ng Bandera.

(Nakikiramay ang Hukbong Katihan ng Pilipinas sa naulila ni Eddie Garcia. Humahanga kami sa kanya 'di lang bilang aktor ngunit bilang kasama.)

Kasama naman sa mga nagbigay ng eulogy kagabi ay si Sen. "Chiz" Escudero.

Nagtapos naman sa palakpakan ang memorial para sa isa sa mga naging haligi ng pinilakang tabing.

Sinabi din ng anak ni Eddie na si Erwin na nais ng kanyang ama na maisaboy ang kanyang mga abo sa Manila Bay oras na pumanaw.

EDDIE GARCIA PHILIPPINE ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with