Kelley Day
Tommy nakaranas ng pinaka-mahirap na break up kay Kelley
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2019 - 12:00am

Kamakailan ay nagkahiwalay na bilang magkasintahan sina Tommy Esguerra at ang mo­delong si Kelley Day. Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate ay tumagal lamang ng dalawang taon ang kanilang relasyon ng dalaga. “It was the hardest breakup of my life but it was also the best breakup because it made me see what I was looking for. I’m still working on it,” bungad ni Tommy.

Kahit walang kasintahan ngayon ay masaya naman umano ang binata. “At heart, I love relationships. But I realized a lot of things. One of them is that I maybe don’t have time for a relationship, it’s not just for me right now. I need to learn how to love myself before I can love others because if I don’t love myself but I love someone else, I’m going to fail. So that’s something I got to work on,” paliwanag ng model-actor.

Samantala, kamakailan ay nagkaroon ng pagkakataon si Tommy na makilala nang personal ang hinahangaang si Urassya Sperbund na isa ring model at actress mula sa Thailand. Umuwi sa Pilipinas ang dalaga para sa isang event ng Tourism Authority of Thailand. “I found out she was coming and I had to see her. I’m not going to lie, I got a crush on her. She is very beautiful and she’s very sweet. I was actually speechless. She looks a little bit like Megan Young and Catriona Gray. It’s like a mix between them. She’s so pretty. I’ve never met her before. And all I said was, ‘Hello, it’s nice to meet you,’” nakakatawang kwento ng aktor.

Anton Diva pinag-interesan ng mga babae!

Hindi talaga matatawaran ang galing ni Anton Diva sa pagkanta. Matagal-tagal na rin sa industriya ang standup comedian at ayon sa kanya ay mara­ming mga lalaki at babae na ang nagkagusto sa kanya dahil kaboses si Regine Velasquez. “Mas maraming girls. Dati parang akala nila siguro puwede akong pumatol sa girls. Hindi eh, hindi ko kaya. Never akong nagka-girlfriend. Hanggang friendship lang talaga,” natatawang pahayag ni Anton.

Naranasan din daw ng komedyante noon na maligawan ng isang babae. “Oo, merong gano’n. Meron akong parang tomboy na admirer. Bi­nibigyan ako ng regalo at binabantayan ako sa gig ko. Binibigyan ako ng roses, stuffed toys, chocolates, ginagawa akong babae talaga. Pero hindi ko talaga keri eh. Alam niya naman din that time na may boyfriend ako eh, and she accepted that. Hindi naman siya nangulit,” nakangiting kuwento ng kilalang impersonator ng Asia’s Songbird.

Ayon kay Anton ay matagal na rin ang relasyon nila ng nobyo ngayon. “Masaya naman kami. Matagal na matagal na kami, parang dekada na. Maswerte rin ako sa kanya siguro. Kasi hindi naman tatagal kung hindi naman nagwo-workout. Sobrang tanggap siya ng family ko,” pagtatapat niya. (Reports from JCC)

KELLEY DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with