^

PSN Showbiz

Pagsasabong ni Gretchen itinanggi ng kanyang kampo!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pagsasabong ni Gretchen itinanggi ng kanyang kampo!

Glydel nagku-krus sa lahat ng simbahan

As usual, pulos tawanan at bukuhan ang episode 18 ng digital talkshow na Take It... Per Minute! (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin with Mr. Fu kahapon ng tanghali.

Pero seryoso ang unang pinag-usapan nila.

Naaalala ni Nay Cristy sa isang interview ni Manoy Eddie Garcia, sinabi nito kay Ms. Ces Drilon many years ago na kung may mangyayari sa kanya, ayaw niya ng wake, gusto niya diretso crematorium tapos isasakay ang abo niya sa helicopter at saka isasaboy sa Manila Bay. Pero siyempre ayon kay Nay Lolit, hindi puwedeng mangyari ang ganun sa status ng sikat na actor / director na kasalukuyan pa ring nasa coma condition sa Makati Medical Center.

May baon namang blind item si Mr. Fu na kababalik lang ng Manila mula sa birthday vacation sa Japan.

Pinahulaan niya sa viewers kung sino ang sikat na singer na suki ng isang gay spa sa abroad (Bangkok). Madalas daw doon si male personality dahil feeling niya walang nakakakilala sa kanyang Pinoy. At ang trip daw ni male personality, kumuha ng dalawang ‘lalaki.’ Pero may nakakilala raw sa front desk sa nasabing male personality at sinabing sikat ito sa Pilipinas.

Ayon na-google na kilala sa bansa ang nasabing singer at na-trace. True enough, nang may magpa-massage na Pinoy sa nasabing gay spa, pinakita raw ang picture ni singer sa google at bingo, bukung-buko na doon pala nagpapamasahe ng bongga ang singer na pinagdududahan ang gender noon pa.

Samantala, pinag-usapan din nila ang kuwento tungkol kay Gretchen Barretto na nakikita diumano sa derby event sa isang five star hotel.

Yup, nakikita raw ito na pagdating sa nasabing pa-derby ay pinapalakpakan ng mga tao doon na pawang madadatung. With yayas pa raw ang inactive actress ayon sa source kasama ang negosyanteng pilit na ikinakabit sa kanyang pangalan na si Mr. Atong Ang.

Pero mabilis nilinaw ni tita Dolor Guevarra, personal friend ni Gretchen ang isyung pagsasabong ni Gretchen, at sinabi niyang kumakain lang sila sa nasabing hotel at kasama pa raw sila.

Samantala, naging guest naman kahapon ng TIPM ang Beautederm ambassador na si Glydel Mercado na wala sa hitsura niya na 45 years old na at mamula-mula ang pisngi.

Ano nga bang sekreto niya? Beautederm ang sagot niya.

In all fairness sa kanya, magandang endorser si Glydel, memoryado niya ang lahat ng produkto ng kumpanya ni Ms. Rei Tan na proven na effective.

Anyway, dalawa ang anak nina Glydel and Tonton Gutierrez - sina Aneeza (14) and Aneeka (7).

So gusto pa ba niyang maghabol ng isang baby boy? “Ayoko na. Mahirap magkaanak,” sagot ng aktres na tumatak ang role noon sa pelikula nila ni Nora Aunor na Sidhi.

So mag-aartista na ba ang dalawa nilang anak?

Si Aneeza raw ay kasalukuyang nagwo-workshop dahil meron itong special role sa pelikulang gagawin ng anak ni elected Manila Mayor Isko Moreno. Kasama rin sila ni Tonton sa nasabing pelikula.

Kinuwento rin ng aktres na isa sa mga bida sa Kara Mia, mas si Tonton ang nag-aalaga sa kanilang dalawang anak dahil mas busy nga siya. Pati raw mga school assignment ay si Tonton ang tumutulong.

Ano namang masasabi niya sa mga young star na sina Mica dela Cruz and Barbie Forteza na mga bida sa Kara Mia?

Dahil magkaiba sila ng personality, ayon kay Glydel, pareho siyang nagagalingan sa dalawang Kapuso young star.

 Anyway, online seller na rin si Glydel. At ang binebenta niya, ‘yun ding ini-endorse niyang products ng Beautederm.

At ito, naloloka pala si Tonton sa misis na aktres dahil OC ito na tipong kahit isang eksena lang ang kukunan sa taping niya, parang buong bahay na ang dala, na binuko ni Nay Lolit.

At ang sasakyan pala nito, parang bus sa laki as in 14 seater na puwede kang tumayo ha. “Pangarap ko talaga noon ng malaking sasakyan,” sabay tawa ng aktres.

Anyway, certified no. 1 digital talkshow na talaga ang Take It... lalo na sa mga kababayan nating nasa abroad na naghihintay talaga sa bawat episode ng programa nina Manay Lolit and Manay Cristy with Mr. Fu. I-like lang o i-follow ang Pilipino Star Ngayon facebook page para mapanood ang programa.

vuukle comment

TAKE IT... PER MINUTE!

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with