Coco tinututukan si Baron para maging professional

Coco at Baron

Masayang-masaya si Baron Geisler dahil nakabalik nang muli sa telebisyon. Napapanood tuwing gabi ang karakter ng aktor bilang si Bungo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Kung tutuusin I’m already at a place where God has already placed me na I’m very happy and grateful and I couldn’t ask for more. Sa Probinsyano alone, masaya na ako. Maganda ‘yung exposure, maganda ‘yung character di ba? Out of nowhere, nalaos ako, nagkaroon ako ng problema tapos biglang binigyan nila ako ng ganitong karakter na everyday nakikita. So that’s a dream come true. That’s an answered prayer,” pahayag ni Baron.

Malaki ang pasasalamat ng binata dahil muli siyang tinanggap ng mga manonood. “Kahit saan ako magpunta ‘yung mga bata, mga five years old, mga babae pa ‘yung iba, hindi sila natatakot sa akin. ‘Hi! Alyas Bungo!’ Ba’t di natatakot sa akin itong mga batang ito? Naaliw ako sa kanila. ‘Yung mga lola, teenager, mga yuppy nagpapa-picture, nakakaaliw,” dagdag pa niya

Ayon kay Baron ay palagi rin siyang pinagsasabihan ng bida ng serye na si Coco Martin upang maging maayos ang pagtatrabaho. “Nire-remind niya ako palagi tungkol sa pakikisama. Binabalik niya ako do’n sa, ‘Paps, basta makisama ka lang.’ Alam ko naman ang ibig niyang sabihin do’n. Hindi ‘yung pakikisama na magki-kiss ass ka sa mga tao. ‘Huwag kang mali-late, maging professional ka. Tapos huwag na huwag kang iinom, bago, during or after ng trabaho.’ Inuulit niya palagi ‘yung payo niya noon sa akin. Inaalagaan ako ni Coco at totoong maalaga siya sa mga tao niya. Noong una akala ko parang sabi-sabi lang kasi siya ‘yung boss, hindi pala. Totoo pala na mahal talaga siya ng tao do’n,” pagbabahagi ng aktor.

Dimples naging madasalin dahil sa ama

Posibleng sa namayapang ama raw ni Dimples Romana nakuha ang pagiging madasalin niya. Naging bahagi ng Couples for Christ ang mga magulang ng aktres noon kaya parehong likas na madasalin. “I remember when I would wake up before he leaves for the post office, kasi post master si Papa eh. He would pray over me every single morning before he leaves. He starts as young as I can remember, maybe five or six years old. I guess ‘yon ang dahilan bakit lumaki akong madasalin because it was a way of me remembering him trough his prayers somehow,” paglalahad ni Dimples.

Palagi raw nakasuporta sa aktres ang ama noon kaya naman talagang hinahanap-hanap na niya ito ngayon. “One particular moment was when I just won Binibining Parañaque. Kasi my father, he’s very shy eh. He’s always supportive of me but hindi siya pushy. So he knows that if I ventured into something, quiet lang siya most of the time.  He went up and whispered to me, ‘Sabi ko na eh.’ Ever since, iniisip ko every time I have self doubts until now that I’m 34, I would always go back to that moment na parang ang importante kasi sa tao is at least one person believes in you. It’s my papa, parang malaking bagay sa akin ‘yon,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

Show comments