Pamilya ni Manoy tinapat na ng mga doktor

Eddie Garcia

Dasal at mara­ming dasal pa raw ang kailangan ng aktor na si Eddie Garcia ayon sa isang malapit sa aktor.

Habang sinusulat kasi ang balitang ito ay tinapat na raw ng mga doktor ang pamilya ng beteranong aktor /direktor sa totoong kalagayan nito kahit na operahan pa.

Kaya naman binobomba ng mga nagmamahal sa aktor ang langit para pakinggan ng Diyos ang dasal na tulungan si Manoy Eddie na makaraos sa pinagdaraanan nito sa kasalukuyan.

#LabanManoy

Show comments