DZBB Radyo Na TV Pa anchors na sina Mike Enriquez, Arnold Clavio, Ali Sotto at Joel Zobel
Mga bossing at katrabaho nagiging architect ng buhay
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

Tuwang-tuwa ako na may presscon ang mga DZBB Radyo Na TV Pa anchors na sina Mike Enriquez, Joel Zobel, Ali Sotto at Arnold Clavio.

Natutuwa ako dahil part ako ng DZBB kahit walang kawawaan ang mga ibinabalita ko  at spoiled brat ako dahil pag wala ako sa mood, pinapayagan nila ako na huwag mag-on air.

Love ko ang DZBB Big Boss na si Papa Mike Enriquez dahil nakakatuwa siya lalo   na kapag nagbabalita, biglang inubo na susundan niya ng kanyang trademark line na “Excuse me po!”

Mahal ko rin ang DZRH dahil ang cute-cute ng big boss ko na si Juan Elizalde.

Parang baby ang trato sa akin ni Papa Juan dahil give siya agad kapag humingi ako ng Star City.

Talagang sobrang lucky ako dahi lahat ng mga bossing ko, kahit papaano, pinagbibigyan ang mga kagagahan ko. They allow me to grow and be who I am now.

‘Yan ang madalas na sabihin ko, ang mga tao na naging part ng buhay natin ang nagiging architect ng ating future. They design and form the way you will be as a person, either good or bad, whole or broken, sweet or bitter.

Ang mga  kasamahan  sa trabaho ang huhubog sa atin at sa mga ginagawa natin.

Sa DZBB, ang feeling mo part ka ng family, you grow from infanthood to adulthood. Thanks to Papa Mike and Mama Marissa Flores.

Travel pa more...

Naku Salve ha, hindi ko alam if I have really done something good in my life or reincarnation ako ng isang flight stewardess.

Imagine mo, tatlong travels pa ang inaalok sa akin as birthday gift. ‘Yung isa, kay Cris Roque ng Kamiseta, isa kay Lynette, isa kay Tet de Joya at isa pa mula kay Mama Marivic Larrazabal.

Eh sa totoo lang, after ng mala-Survivor na Korean trip natin, sabi ko huwag muna tayong mag-travel dahil parang nabugbog ang katawan ko.

Pero in all their goodness, talagang mapilit ang mga rich Asian friends natin na ipasyal tayo.

Noong bata pa ako, dalawa ang gusto at dream ko na trabaho, salesgirl sa Escolta at maging flight stewardess.

Dahil mahusay ako na manghingi, ang mahusay mag-convince ang salesgirl side ko.

Siguro ang dream ko na maging flight attendant, natupad naman thru gift of travels ng mga friend.

Hay naku, hindi ko ma-imagine na July na birthday ko pa rin ang celebration pero thankful at grateful ako.

Bongga talaga dahil hindi lang naman ako ang ibino-blow out nila, kasama rin ang travel buddies ko.

DZBB RADYO MIKE ENRIQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with