Eddie at Gloria mas lumalakas ang katawan pag nagtatrabaho

Gloria Romero

Sad news naman na nag-collapse si Eddie Garcia sa taping ng Rosang Agimat noong Sabado.

Hanggang ngayon, silang dalawa ni Gloria Romero ang masipag pa rin na magtrabaho at ayaw huminto sa pag-aartista dahil sa sobrang love nila sa kanilang propesyon.

Imbes na magpahinga at magpa-easy-easy na lang, work pa rin sila dahil sa passion nila sa pag-arte, hindi sa datung.

Ang sabi nga nina Eddie at Gloria, mas lumalakas ang pakiramdam ng katawan nila kapag may mga ginagawa sila kaya tuluy-tuloy lang ang kanilang mga trabaho.

Malaki ang concern at mataas ang respeto kina Eddie at Gloria  dahil sa professionalism nila. Sa mga awards night, sila ang mga nauuna na dumarating at tinatapos nila ang programa, kahit hindi na sila sanay na magpuyat.

Hindi sila kagaya ng ibang youngstars na dumadalo nga pero late-comer naman sa awards night at parang mga inip na inip kaya umaalis agad.

Ibang-iba sa kanila sina Eddie at Gloria na  malalim ang pagmamahal sa movie industry at sa kanilang propesyon. Sila ang unang dumarating sa mga shooting at taping.

Pinakamaaga sina Eddie at Gloria sa set, hindi nagmamadali at kahit may cut off, hindi sila basta umaalis hanggang hindi nakukunan ang kanilang mga eksena.

Si Eddie ang unang narinig ko na nagsabi na ‘We are paid to wait kaya okey lang maghintay sa set!’ Bongga di ba?

Gaya ni Ramon Revilla, Sr. na parang may iniingatan na agimat, malampasan sana ni Eddie ang health crisis niya. Ipagdasal po natin siya.

GMA nakatutok…

Inatake sa puso si Eddie Garcia ang unang balita na kumalat noong Sabado at naglabas pa nga ng official statement ang pamilya niya.

Pero kahapon, iba na ang version, hindi raw inatake si Eddie sa puso as in nag-collapse siya dahil nagkaroon ng fracture ang kanyang leeg nang mapatid sa kable ang veteran actor.

Nangyari ang aksidente sa taping ng bagong primetime television series ng GMA 7. Sure ako na aasika­suhin at hindi pababayaan ng Kapuso network  si Eddie kaya nakatutok ang management sa kalagayan niya.

Adult diaper kailangan ng mga senior

Siguro nga, kailangan nang gumamit ng adult diaper ng mga senior citizen dahil napapadalas ang punta nila sa banyo para umihi.

May adult diaper brand ang Megasoft Hygienic Products Inc. na pag-aari ni Aileen Go.

Grand ang brand ng adult diaper product ng Megasoft na highly-recommended sa mga senior citizen.

Ewan ko nga ba kung bakit kapag matanda ka na, madalas na ang pagpunta sa restroom na dusa lalo na kung malayo at mahirap hanapin.

At minsan, parang nananadya dahil kung kailan paalis ka  sa isang lugar, saka ka makakaramdam na ihing-ihi ka na.

Napag-usapan namin ang adult diaper dahil isa ito sa mga best –seller sa mga product ng kompanya ni Aileen.

Malapit ko nang subukan na gumamit ng adult diaper sa isa sa mga biyahe ko para hindi na maulit ang dusa ko sa Paris na parang puputok ang pantog ko habang ikinakasal sina Hayden Kho, Jr. at Vicki Belo.

Naloka ako nang magtanong ako at sabihin sa akin na nasa basement ng simbahan ang restroom na hinahanap ko.

Show comments