Gerald Anderson at Julia Barretto
Julia umamin sa attraction/admiration at first sight!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2019 - 12:00am

Kay Gerald kaya ‘yun?

True kayang may attraction si Julia Barretto kay Gerald Anderson? Madali umanong na-fall ang young actress sa naka-partner na aktor sa pelikulang Between Maybes na hindi naman gaanong kumita sa takilya.

Nauna nang nagprotesta ang fans ni Joshua Garcia sa interview ni Julia sa bestfriend niyang si Erich Gonzales na certified video blogger na.

Sinabi kasi dun ni Julia na mas gusto niyang kausap ang smart person dahil isa siyang conversationalist. Gusto raw niya ay may natutunan siya at may substance ang sinasabi nang nakakausap niya.

Sinabi pa rin niya sa interview na hindi siya heartbreaker. Siya raw ang madalas nasasaktan. At may issue pa dun ng trust na oras na masira na, sira na talaga.

Inamin din ni Julia na madali siyang ma-in love. Pero marunong na raw siyang mag-guard ng heart dahil sa rami nang napagdaanan niya. At naniniwala siya sa love at first sight (attraction at first sight) at pag nakita niya ‘yung tao, ramdam niya raw pag may chance. Pero sumagot si Erich na ‘trouble yan.’  Nagbanggit pa ng Visaya word si Erich na in Tagalog ay ‘sakit ng ulo.’

In love din daw siya ngayon without mentioning Joshua. “I am very much in love with the peace I had gained just recently.” Dagdag pa niya : “I’m in love with the person that I am/that I found.” At ayaw na raw niya sa mga taong toxic, negative people, na naka-istorbo sa kanyang inner peace.

Bestfriends sina Julia and Erich kaya obvious daw na ginamit nila ang nasabing interview para maklaro ang issue sa kanila ni Joshua na hindi kailangang banggitin ang pangalan ng aktor.

Common knowledge na si Bea Alonzo ang girlfriend ni Gerald sa kasalukuyan na nang maka-partner din si former Miss Universe Pia Wurtzbach sa pelikula ay na-link din sila at balita pa noong nag-cool off sila ni Bea.

ABS-CBN handa nang mag-refile ng franchise sa congress

Handa nang mag-refile ang ABS-CBN ng franchise nila sa pagbubukas ng 18th Congress next month.

Next year pa naman daw ang expiration ng franchise nila ayon sa isang insider ng ABS-CBN kaya may chance pa talaga silang mag-refile sa July at makaroon ng permit/franchise.

At makakasabay pala ng ABS-CBN sa renewal ang TV5 na magpa-file pa rin lang ng franchise to operate sa Congress.

So ayun naman pala. Wala pa sa panic mode. May July pa hanggang end of the year sila para maayos ang franchise.

Mainit nga kasing pinag-debatehan lately ang tungkol sa nasabing franchise dahil sa naging comment ng singer na si Jimmy Bondoc na in all fairness ay subsided na, hindi na pinag-uusapan at wala na ring nagre-react.

Bago ang issue kay Jimmy Bondoc ay pinag-usapan na nga ang problema ng ABS-CBN sa kanilang franchise nang i-launch nila ang streaming provider nilang iWant.

Tapos madalas pa silang manalo sa kanilang digital campaigns na nagpapalakas ngang lalo sa ugong na tututok na sila sa digital dahil dito ay walang kailangang franchise.

Recently nga lang ay kinilala sila sa prestihiyosong Asia-Pacific Stevie Awards kung saan nagwagi sila ng tatlong parangal sa kanilang digital campaigns.

Nagwagi ng Gold Stevie Award for Innovation in Entertainment Websites ang microsite nila na Moonchasers, na inimbitahan ang mga manonood at tagasubaybay online na maging bahagi ng isang secret organization na pinag-aaralan ang mahiwagang mundo ng mga bampira at lobo sa teleseryeng La Luna Sangre.

Isang Silver Stevie Award for Innovation in Social Media Marketing naman ang iginawad sa McDo BonFries campaign na inilunsad nila. Sa pamamagitan nito, napanood nang live at nakapag-cheer ang iba’t ibang UAAP students at fans para sa kanilang pambatong team sa inaabangang UAAP Cheerdance Competition sa pamamagitan ng Twitter, Facebook, at YouTube.

Nakatanggap rin sila ng Silver Stevie Award for Innovation in Content Marketing/Branded Editorial para sa proyekto nitong Unilever Story Studio.

Patunay lamang ito ng pag-transition ng ABS-CBN bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.

GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with