John noon pa takot na takot sa multo
John
John noon pa takot na takot sa multo
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2019 - 12:00am

Mula pagkabata ay naniniwala na at natatakot si John Estrada sa multo. Nagsimula raw ang mga nakatatakot na karanasan ng aktor noong namatay ang kanyang lolo. “Hindi ko makakalimutan ‘yon. Siguro do’n nanggaling ‘yung trauma ko. Siyempre musmos ako noon. I was seven years old at ‘yung bunso kong kapatid na lalaki was five.

Namatay ‘yung lolo ko na ang pinakapaborito niyang apo ay ‘yung bunso kong kapatid. Meron akong laruan na train, aside sa walang baterya ‘yon, sira na. So ang katabi kong matulog ‘yung bunso kong kapatid na lalaki. Ang pangalan niya Eduardo. May sakit siya noon, high fever. Kamamatay lang ng lolo ko no’n, mga five days at ‘yung casket ng lolo ko nasa amin pa. Nasa taas ng bahay namin kasi gano’n sa probinsya, ‘yung burol nasa bahay,” kuwento ni John.

“Nakita kong tumunog ‘yung train kong ‘yon. May ilaw ‘yon sa bandang taas kung saan lumalabas ‘yung parang usok no’n. Umilaw ‘yon tapos tumunog habang nasa taas ng aparador namin pero sira na talaga. Kitang-kita ‘yon ng mga mata ko,” dagdag pa ng aktor.

Pagkalipas ng ilang buwan ay sumunod naman daw ang bunsong kapatid ng aktor sa namatay na lolo. “Two months after namatay ‘yung kapatid ko. Sinabi sa akin ng nanay ko, ng lola ko na parang kinuha ni lolo ‘yung paborito niyang apo. So no’ng namatay naman ‘yung kapatid ko, ‘yon uli, tumunog na naman ‘yung train. Hanggang hindi na ako makatulog at araw-araw umiiyak na ako. Ayoko nang matulog sa room na ‘yon. Kasi nga ayokong makita ‘yung train na umiilaw. Tapos tumutunog na alam ko namang walang baterya at sira na. So I guess, do’n na na-develop ‘yung takot ko sa multo,” pagbabahagi ni John.

Vickie Rushton napipisil sa Miss International 2019

Malaki ang pasasalamat ng Binibi­ning Pilipinas candidate na si Vickie Rushton sa kasintahang si Jason Abalos. Todo-suporta ang aktor sa pagsa­ling muli ng dalaga sa kompetisyon ngayong taon. “Yes po, actually siya po ang nag-push sa akin na mag-join this year. Kasi hesitant ako na mag-join pero sabi niya, ‘Go na parang it’s your last year naman. So para wala kang regrets, go na!’ So siya ‘yung full support,” nakangi­ting bungad ni Vickie.

Sa June 9 na gaganapin ang grand coronation ng Binibining Pilipinas 2019. Isa si Vickie sa mga paborito ng mga sumusuporta sa nasabing beauty pageant kaya posibleng pumasok ang dalaga sa top 10. 

May bulung-bulungan na napipisil umano si Vickie ng Miss International Organization para lumaban sa nalalapit na Miss International 2019. “Narinig ko din po ‘yon pero I don’t know if it’s true. But if it’s true, thank you so much. Takot ako magsabi but thank you so much Miss International Organization,” natatawang pahayag ng dating Pinoy Big Brother housemate. Matatandaang nakasali na noong isang taon si Vickie sa Binibining Pilipinas kung saan nakuha naman ng dalaga ang titulong First Runner-Up. (Reports from JCC)

JOHN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with