Dear Uge may relaunch!

MANILA, Philippines — Ngayong Linggo (Mayo 26) ay magkakaroon ng re­launch ang top-rating comedy anthology program na Dear Uge.

Sa bagong bihis ng show, maraming mga baguhan at batikang artista at komedyante ng GMA Network ang bibisita at makikipagkulitan sa mga bida ng programa isa na nga dito ang Pepito Manaloto star na si Michael V.

Sa isang uploaded Facebook video, makikita na ma­sayang-masayang nagja-jamming session sina Michael V. at Eugene Domingo kasama ang cast ng Dear Uge.

Ayon kay Uge, lahat daw ng guests nila ay tuwang-tuwa sa magaan at masayang format ng kanilang come­dy show. “Ang naka­katuwa doon lahat ng ige-guest namin dito nae-excite sila kasi ito ‘yung chance na parang hindi sila masiyadong drama-drama,” dagdag pa nito.

Abangan kung ano ang pabaon ng award-winning comedy program na Dear Uge sa Linggong ito pagkatapos ng Sunday PinaSaya sa GMA Sunday Grande.

Show comments