Seo Kong-jun
Seo Kong-Jun eeksena sa Kapuso
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Binigyan ng media conference ng GMA 7 kahapon ang Korean actor na si Seo Kong-jun na bida sa K-drama na Are You Human? na mapapanood starting Monday, May 27.

First time rin ng Korean actor sa bansa na magkakaroon ng fan meeting ngayong gabi sa New Frontier Theater in Cubao.

Bago ang Are You Human? nauna na namin siyang napanood sa Cheese in the Trap na napanood na sa Kapuso Network. Actually marami na siyang nagawang K drama pero hindi pa mas­yadong bida ang role niya.

Ang Are You Human ay kuwento ng isang renowned scientist na napilitang  gami­tin ang anak para makagawa ng robot. Pero paglaki nito ay makakatanggap siya ng mga death threat pero gagawin ng mga nagmamahal sa kanya ang lahat para maprotektahan siya.

Prior to acting, member si Seo Kong-jun ng Korean boy group na 5surprise. Mahusay din siyang pianist at magaling mag-tennis, golf and horseback riding.

Game na game siya kahapon sa mga tanong ng media at selected fans na nanalo ng special pass para sa nasabing media conference.

Medyo matagal na rin daw ang Are You Human? kaya natuwa siya nang malamang eere ito sa GMA 7.

Grabe ang Korean fever sa bansa kaya naman sunud-sunod ang mga Korean actor na bumibisita sa atin.

SEO KONG-JUN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with