Sophie Reyes
Anak ng dating sexy star, pansin na pansin sa bagong batch ng Magic Circle
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Isa sa 16 na baguhang artista na inilunsad ng Star Magic kamakailan lamang ay ang 20 taong gulang at isa sa dalawang anak ng isang dating sikat na sexy star na si Rina Reyes.

Siya si Sophie Reyes, maganda tulad din ng mga kasabayan niyang ipinakilala, hindi lamang kasing agresibo at hindi nagtangkang makisabay sa agos ng maraming nag-audition para sa role ni Darna.

Pero, nakalabas na siya sa ilang musicals (Sound of Music, Magsimula Ka, Sleeping Beauty). Napapakinabangan niya ang tinapos niyang kurso sa teatro pero, natural na ang kaa­laman niyang mag-compose ng kanta, umarte, sumayaw at kumanta, mga talentong dapat lamang ay bigyan kaganapan niya dahil sa mga ilustrado sa showbiz niyang pamilya. Si Paraluman na isa sa pinaka-maganda nung kanyang kapanahunan ay great grandmama niya. Isa namang mahusay na host ang lola niyang si Baby O’Brien. At sino ang hindi nakakakilala kay Rina Reyes na naging pambato ng isang production company sa akti­ngan at paseksihan.

Kung hindi mo talagang pagmamasdan ay kasa-kasama siya ng anak sa launching nito at abalang kumukuha ng larawan at video nito. Taglay pa rin ng nakatatandang Reyes ang kagandahang nagpakilala sa kanya nun pero, higit na mas maganda siya ngayong naglalaban na ang kulay silver and brown sa kanyang buhok. She doesn’t mind being called a stage mom. Sino ba nga naman ang sasama para mag-alaga sa kanyang anak kundi siyang nanay na lumaki rin sa showbiz.

Isa pang malaki ang potensyal na sumikat sa showbiz sa mga ini-launch na babae ay si Eisel Serrano na ang manager ay ang sikat na concert producer na si Joed Serrano. Walang balak kulitin ni Eisel ang kanyang manager kahit man lamang gawin siyang front act ng mga international at local artist na ginagawan nito ng konsyerto, mas gusto nito na magkapangalan on her own. Katunayan isinakripisyo niya ang pagiging magna cum laude at nag-settle sa pagiging cum laude lamang nang mas paboran niya ang isang mahabang workshop na kinakaila­ngan  niya sa pinili niyang karera. Isa siya sa pinaka-maganda sa grupo pero, kontrabida roles ang gusto niyang sabakan kaysa bida. May Travel Management degree si Eisel.

Ilan sa talagang may karanasan na sa showbiz sa mga bagong Star Magic artists ay sina Belle Mariano, dating child star at ngayon ay dalaga na, ang former boyband member na si Glen Vargas, ang dating PBB housemate na si RA Lewis, host ng ANC shows na si Javi Benitez, ang napanood sa Eerie na si Gillian Vicencio, at Kyle Echarri, si Christoff ng Kadenang Ginto. Ang iba na tulad ng rapper na si Kendru Garcia, ang pinaka-batang ramp model at age 12 na si Aiyana Waggoner, commercial models na sina Anthony Jennings at Arielle Roces, billboard model Arabella del Rosario, ang guitar player na si JC Alcantara, ang buding actress at songwriter na si Melissa Jimenez, ang basketbolistang si Jeremiah Lisbo ay talagang starting from scratch pero, all are willing to learn at maagang nagpapakitang gilas na.

Brian hindi bumibitiw  sa pag-arte

Maski na ngayong nakalabas na sa kulungan ang kanyang amang si Bong Revilla at nanalo na bilang senador muli, hindi binibitawan ni Brian Revilla ang kanyang pag-aartista.

Matapos ang pagsasama-sama nilang magkakapatid sa Tres, balik ito sa pag-aartista sa pelikulang City of Cries kasama sina Alex Medina, Alvin Anson, Paulo Paraiso sa direksyon ni Richard Somes.

Produksyon ito ng Storm Films at Strawdogs Studio. Dapat siguro ay pangasiwaan na ni Brian ang paggawa ng pelikula bilang artista o producer dahil sa pagbabalik ni Bong sa pulitika, mawawalan na naman ito ng panahon  sa showbiz.

Inigo malakas ang suporta  kay Maris

Kahit pa malakas ang suporta sa kanya ng boyfriend niyang si Inigo Pascual, panay ang pagpupursige ni Maris Racal na mapaunlad ang kanyang sarili bilang isang singer at artista. Malaki na ang improvement ng kanyang akting na gaya ng ipinamalas niya sa hu­ling paglabas niya sa Maalaala Mo Kaya. Ngayon naman ay may collaboration siyang ginagawa kasama si Rico Blanco ng isang kanta na hindi pa man nairi-release ay hinuhulaan nang papatok mga makakarinig.

Piolo mas busy na sa pagpo-produce

Isang malaking produksyon ang inihahanda ng Spring Films na maituturing na isang casting coup dahil magkakasama-sama sina Aga Muhlach, Piolo Pascual, Empoy Marquez at Daniel Padilla sa direksyon ni Marcus Adoro, gitarista ng Eraserheads na magdi-debut bilang direktor sa pelikula. 

Hindi ko lang alam kung sino ang nakaisip ng titulo ng pelikula na Post Angst dahil marami sa nakakarinig nito ay nagtatanong kung ano ang ibig sabihin nito, at kung bakit walang babae na kasama sa cast. Dapat lang talaga sigurong magpahinga sa pag-aartista ni Piolo para matutukan ang production company nila nina Bb. Joyce Bernal at Erickson Raymundo, lalo’t malalaking pekikula na ang ginagawa niila.

SOPHIE REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with