Magandang Buhay ipagdiriwang ang ikatlong anibersaryo
(Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang team sina momshie Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa pagtulong sa kanilang kapwa momshies na pagkaisahin ang pamilya at patuloy na magbigay inspirasyon sa ikatlong anibersaryo ng Magandang Buhay.

Tunay na “tres is the best” sa Kapamilya mor­ning show dahil simula Mayo 27 dadalhin nila ang manonood sa kanilang pinagmulan – Boracay, kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at kung saan sila gagawa ng bagong memories.

Tatlong nanay ang mapaparangalan nina mom­shie Karla, Jolina, at Melai sa kanilang Momshie Awards.

Bagong adventures din ang sama-sama nilang susubukan, kasama na ang underwater scooter at parasailing.

Bibigyan din nila ng tour ang kanilang viewers ng pwedeng magawang bonding sa Boracay with their family pati na ang mga patok na pagkain sa lugar.

Maliban sa mga sikat na tanawing sikat na sa lugar, dadalhin din tayo ng palabas sa mga bagong offerings ng Boracay.

Makikigulo naman sa kanilang ikatlong aniber­saryo ang pamangkin ni Karla at ang pinakabagong Goin’ Bulilit kid na si Jordan, si DJ Jhai Ho at si Kaladkaren.

Kaya huwag ng palampasin ang ikatlong anibersaryo ng mor­ning show tuwing umaga ng 8am pagkatapos ng Umagang Kay Ganda.

Donny, tumestigo laban sa holdaper

Paninindigan ni Philip (Donny Pangilinan) ang tungkulin labanan ang ilang holdaper na bumiktima sa kanya at ilang sibilyan ngayong Sabado (Mayo 25) sa Ipaglaban Mo.

Dahil sa isang hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang ina na si Melba (Ana Abad Santos), aalis si Philip sa bahay at maiipit sa isang holdapan sa jeep. Maiisip nitong manlaban at ipagtanggol ang sarili at ang mga kasakay laban sa mga holdaper na sina Ton (Julian Trono), isang binatang ama na gipit sa buhay, at ang promotor ng krimen na si Temyong (Benk Manalo) na lulong sa masamang bisyo.

Maiipit din sa holdapan ang magkapatid na sina Eva (Malou Canzana), isang istriktang ina at nakababatang kapatid na si Clara (Riva Quenery). Makakasabay nila si Philip sa jeep sa paghahanap sa naglayas na pamangking si June (Jomari Angeles).

Sa takot sa kaguluhang naganap, tatalon si Eva sa jeep na ikagagalit ng mga holdaper. Dahil dito ay ititulak nila palabas si Clara, at matagumpay nilang mananakawan ang mga pasahero ng jeep, pati na ang kawawang driver.

Makatulong kaya ang pagtestigo ni Philip laban sa mga kawatan? Ano na ang mangyayari sa pamilya ni Eva ngayong napahamak siya?

KARLA ESTRADA MELAI CANTIVEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with