Andi Eigenmann at Ellie
Ellie magiging tatlo agad ang kapatid
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

Girl ang muling ipinagbubuntis ng actress na si Andi Eigenmann courtesy of her surfing champ boyfriend na si Philmar Alipayo ng Siargao. Ito ang first baby nila ni Philmar na may dalawang anak na parehong lalake in his previous relationships habang si Andi ay may 7-year-old daughter na si Ellie sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito, anak ni dating Pangulo at outgoing mayor ng Maynila na si Joseph ‘Erap’ Estrada na si Jake Ejercito sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Island girl na ngayon si Andi dahil mas gusto nitong mamuhay sa Siargao dahil sa hilig nito sa beach at surfing although inamin nito na hindi umano niya tinatalikuran ang kanyang acting career.

Excited na raw si Ellie sa paglabas ng kanyang baby sister any day soon.

Alden at Maine lumago agad ang mga negosyo 

Naghiwalay mang loveteam sina Alden Richards at Maine Mendoza, naging successful naman ang dalawa pagdating sa kanilang mga itinayong negosyo.

Si Alden ay may dalawa nang branches ng Concha’s Garden Café in Tagaytay and Quezon City and last April 25, 2019 ay binuksan naman ang kanyang unang franchise ng popular international food chain, ang McDonald’s na matatagpuan sa Biñan Highway in Laguna.

Naunang nagkaroon ng franchise ng McDonald’s si Maine nung August 11, 2017 na matatagpuan sa kanyang hometown in Sta. Clara, Bulacan at may nagsabi na may dalawa na umano itong branches.

Kung gugustuhin ni Maine na magbukas ng isang restaurant ay hindi ito imposible laluna’t nagtapos siya ng Hotel, Restaurant and Institution Management major in Culinary Arts sa De La Salle – College of St. Benilde at nag-intern sa The Sagamore in Bolton Landing, New York.

Toni at mga kasamahan, super miss na si JL

Kung meron mang isang actor na gusto ni Toni Gonzaga and the rest of the new cast ng newly-reformatted sitcom na Home Sweetie Home:Extra Sweet ay walang iba `yon kundi si John Lloyd Cruz na siyang original na kapareha ng ate ni Alex Gonzaga sa nasabing sitcom.

Maintained pa rin ang character ni Toni as Julie na siyang gumanap na misis ng naka-indefinite leave sa showbiz na si John Lloyd.

Hindi ikinakaila ni Toni at ng mga bago niyang kasamahan sa programa maging ang actor-director na si Edgar `Bobot’ Mortiz na miss na nila ang partner ngayon ni Ellen Adarna na mas gustong mamuhay nang simple at wala sa showbiz.

Gayunpaman, agad nag-blend ang bagong cast ng Home Sweetie Home: Extra Sweet dahil matagal na silang magkakasama at  magkakatrabaho.

I ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with