Paulo Avelino
Paulo hindi inasahang magko-kontrabida
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2019 - 12:00am

Walang kamalay-malay ang lahat pero nakakadalawang taon na pala ang relasyon nina Paulo Avelino at ng girlfriend niyang si Jodie Tarasek. Masayang ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang anibersaryo. Tahimik at very private ang relasyon ng dalawa.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit tinanggap ni Paulo ang role niya sa The General’s Daughter.

Expected ng fans niya ay mas malaking role at hindi kontrabida ang ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Bulaga may bagong pinauuso

Mayro’n na namang pinauusong laro ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga.

Hindi magtatagal at nilalaro na naman ng lahat ang Pitik Calamansi at magiging paboritong laro tulad din ng unang pinauso nilang Pinoy Henyo.

Mapupuri na naman kung sino man ang nakaisip na laruin ito sa EB dahil hindi naman ito bagong imbentong laro. Dati na ito pero ngayon lamang ni-revive at umaani ng suporta sa mga manonood.

Nakaisa na naman sila sa kalaban nilang It’s Showtime.

Mga commercial sa TV mas mahaba pa ang exposure kesa sa mga teleserye

Maigting ang kumpetisyon ng TVC ng mga inuming nakakalasing o panlalaki. Kung ang pamilya Muhlach at Legaspi ay pagalingan sa pagi-endorso ng Selecta Ice Cream, at sina Alden Richards at Kathryn Bernardo ng Magnolia Ice Cream, mga machong artista (Coco Martin) naman kundi pati komedyante (Pekto, Jerald Napoles) ang gamit na endorser ng mga mas matapang na whiskey at brandy. Maganda at nakakaaliw yung mga may edad nang endorser ng San Miguel Beer na may dalawang bersyon.

Maganda rin yung pagdalaw ng mga “anghel” sa mga umiinom ng San Miguel Light. Obvious na pinagaganda na rin ang mga TVC na dapat lang dahil mas mahabang oras ang kinakain ng mga ito kaysa mga serye.

Alex naturuan ng leksyon

Sana naman ay maging leksyon na kay Alex Gonzaga ang pagbibitaw ng mga salita na hindi muna  niya pinag-iisipang mabuti bago palabasin sa kanyang bibig. Ayun, kailangan niya tuloy na himingi ng paumanhin kay Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque para hindi madekla­rang “persona non grata” at hindi maparusahan sa sinabi niyang hindi maganda  tungkol dito sa kasagsagan ng kampanya para sa katatapos na eleksyon.

Isa sa hindi maipagkakapuring ugali ng kapatid ni Toni Gonzaga ay ang kanyang lubhang pagiging prangka at walang pakikialam kung nakakasakit man siya o hindi.

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with