Bong Revilla, Jr.
‘You cannot teach what you don’t know’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

You cannot teach what you don’t know at ito ang madalas na nasa utak ko kapag may nakikita o naririnig ako na nagdudunong-dunungan.

‘Yung feeling alam na niya ang lahat pero kapag inimbestigahan ang background, wala siyang karapatan na magsalita dahil kulang din ang knowledge niya.

Ganyan ang tingin ko sa mga kapwa artista ni Bong Revilla, Jr. na wagas kung manlait at magsalita.

Wow big words, dunung-dunungan school of acting, pa-bibo. Hindi muna tiningnan kung ano na ba ang kanilang mga narating, nasaan na sila, at  ang naging achievements nila?

Ayoko sila na maliitin pero nakakainis ang  feeling nila na I am better than you at ang sobra-sobrang attitude na negative.

Hindi pa nga big star ang category nila pero sobrang yabang sa pagsasalita at matindi ang panghuhusga sa kapwa.

Dapat na ilagay nila sa utak na ‘You cannot teach what you don’t know. Kung ayaw n’yo kay Bong, okey pero huwag nang putak nang putak.

Labing-apat na milyon ang mga kababayan natin na bumoto kay Bong bilang senador sa katatapos na eleksyon. Fourteen million Filipinos ang may pananalig at nagtitiwala sa kanya, pagbigyan n’yo naman no!

Death penalty dapat nang ibalik

Naawa ako sa 21-years-old na dalaga na pinatay at ni rape sa Batangas na headline news kahapon ng dyaryo nating Pilipino Star NGAYON, Mama Salve.

Talagang ibang-iba na ang panahon at siguro nga, dapat nang ibalik ang death penalty para matakot ang mga pasaway na walang takot gumawa ng krimen.

Headline news din ng PSN ang ina na pinatay ang kanyang mga  anak  na anim at isang taon ang mga edad.

How can you do that? Why will you do that? Hindi natin alam kung kailan mag-snap ang utak ng isang tao at ang nag-trigger para gawin niya ang karumal-dumal na krimen.

In a snap of a finger, nagagawa ang mala­king krimen na biglang magpapabago sa buhay ng mga sangkot, isang student na malapit nang matapos sa pag aaral na pinatay at pinagsamantalahan, dalawang bata na wala pang muwang sa mundo na pinatay ng sariling ina na inaasahan na magtatanggol sa kanila.

Ang  heinous crimes na nangyayari sa ating bansa ang nagbibigay sa atin ng idea na ibalik ang death penalty para matakot ang mga kriminal pero paano kung wala sa katinuan ang gumagawa ng kasalanan? Matatakot pa ba sila sa mabibigat na parusa tulad ng death penalty? Guide us dear God, please show us the right way.

Vico biglang nadiskubre ang matinding karisma nang manalo

Man of the hour talaga si Vico Sotto dahil mula nang manalo siya na mayor ng Pasig City noong nakaraang Lunes, sunod-sunod ang mga article na lumabas tungkol sa kanya sa mga diyaryo at online.Kaliwa’t-kanan din ang mga interview kay Vico  sa TV at radio.

Maagap si Jessica Soho dahil may panayam agad kay Vico at sa tatay nito na si Vic Sotto na napanood kagabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

At dahil single pa si Vico, maraming babae ang nag-a-apply na maging girlfriend niya. Ganyan katindi ang karisma ni Vico na simbolo ng pag-asa at pagbabago dahil nagawa niya na talunin ang incumbent mayor na nagrereklamo na may naganap na dayaan pero hindi pinaniniwalaan.

JR. BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with