Alex inintriga si Robin?!

Kailangang pag-aralang mabuti iyong lumabas na post ni Alex Gonzaga tungkol sa pag-attend nila ng party sa Malacañang. Kaloka dahil sinabi niya na ang nag-invite sa kanila ay si Robin Padilla at sinabi niya na kahit may taping sila pinayagan sila ng management ng ABS-CBN na mag-attend ng party at huwag nang mag-taping.

Para tuloy nagkaroon ng malisya sa mga taga-Channel 2 na mukhang si Robin Padilla ang naging tulay sa Palasyo para maayos ang renewal ng license ng station, iyon ang na­ging usap-usapan, aside from the closeness ng mga taga-2 kay soon-to-be-senator Bong Go. Bongga si Robin Padilla ha, pag nag-invite siya puwede pala ihinto taping gaya sa ginawa ni Alex Gonzaga.

Hay naku, usap-usapan lang naman iyan, bayaan natin, tingnan na lang natin pagdating ng date ng renewal kung totoo o hindi. Pero dahil kay Alex, nagkaroon tuloy ng intriga, hahaha.

PBA players type na type magpahaba ng buhok

Dahil ang init na, napupuyat ako sa panonood ng bilangan ng boto  Salve. Hindi ako lumabas ng bahay kaya nang magising ako sa tawag ni Bambbi Fuentes na pakuha ko na iyong regalo niyang food sa birthday ko at ni Christopher de Leon at Sandy Andolong na doon dadalhin sa salon ni Bambbi ang mga pagkain na bigay nila, inutusan ko na lang si Mel na kunin ito dahil nanood ako ng championship ng San Miguel at Magnolia.

Siyempre type ko win ang San Miguel dahil kina Terrence Romeo at Von Pessumal. At dahil wala naman akong alam, observant na lang ako sa mga kilos ng mga player. Type ko na marami sa kanila ang sumasabay sa pagkanta ng Lupang Hinirang bago mag-umpisa ang game. Type ko rin na marami palang players ang nagsa-sign of the cross bago ang laro tulad ni Ian Sangalang.

Isa lang napansin ko dahil kikay ako, wala iyon mga hunkie players tulad nina Alvin Patrimonio at James Yap na cute ang mga face. Mapapansin naman si Jun Mar Fajardo na pagod na pagod dahil talagang nakababad siya sa game. Very physical pala ang basketball, hitsurang balyahan at takbo sila nang takbo sa court.

Sa lalaki ng mga physiques ng mga player mukhang bata si Von Pessumal sa gitna nila. Cute siya ha. Si Terrence parang ang galaw-galaw sa loob ng court all over siya dito, diyan, doon ang peg niya, parang bata na naglalaro ng basketball at very hunkie ang dating niya na lalaking-lalaki.

Naku para silang mga bata nang manalo, yakapan ng yakapan at parang gusto pang mag-kiss hahaha.

Saka bakit ang daming players na ang haba ng buhok, iyon ba ang uso ngayon? Sabagay, ok naman mukhang masculine na masculine. Cute rin iyong nandoon at karga-karga nila babies nila like Alex Cabagnot at si Terrence na ang pogi ng anak.

Hay naku, at least lucky charm tayo kay Terrence at Von, Salve, champion sila ha, kasi nga we go for the winner ‘di ba Pia Romeo?

Show comments