Rommel
Talunan din, Daniel, Kathryn at Karla hindi natulungan si Rommel!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2019 - 12:00am

Ipinakita nitong nakaraang mid-term elections na hindi na talaga ganun kalakas ang showbiz.

Mahina na nga ang mga pelikulang ipinapalabas sa mga sinehan, pati sa pulitika ay di na rin ganun kalakas ang hatak.

Hindi ko na mailahad isa-isa pero maraming mga artistang natalo sa katatapos lang na eleksyon.

Ang sabi nga nila, ang laki nang naitulong ng te­leseryeng Ang Probinsyano pero sina Lito Lapid at Jhong Hilario lang ang nagwagi.

Nagwagi rin si Jolo Revilla bilang Vice Governor pero wala naman kasi siyang kalaban.

Ilan sa mga nanggaling sa Ang Probinsyano na nabigo ay sina Edu Manzano, Mark Lapid, Long Mejia, Rommel Padilla at Roderick Paulate.

Sinuportahan pa nga ni Coco Martin ang ilan sa kanila pero waley pa rin.

Ang sobrang lakas na loveteam na KathNiel ay wala ring nagawa sa kandidatura ni Rommel na tumatakbong Congressman ng Nueva Ecija.

Ilang beses nga roon bumalik si Daniel Padilla para ikampanya ang tatay niya, pati si Kathryn Bernardo at Karla Estrada ay tumulong din pero tinambakan siya ng kalaban.

Wagi lang ang mga taga-Eat Bulaga na tumutulong sa mga kandidatong miyembro ng pamilya. Panalo ang mga Sotto na tumakbo, lalo na si Vico Sotto na todong sinuportahan ni Vic at ilang Dabarkads ng Eat Bulaga.

Pero nakakabilib naman si Mayor Erap Estrada na kaagad niyang tinanggap ang pagkatalo kay Isko Moreno at sinabi nga nyang senyales na raw ito ng pag-retire niya sa pulitika.

Nakakabilib din si Janella Ejercito na nung gabi ng eleksyon pagkatapos ng bilangan ay nag-post na siya sa kanyang Facebook account nang pasasalamat sa mga taga-San Juan.

Mabuti na lang at may lakas pa rin ang pamilya Revilla na panalo naman silang lahat lalo na si Sen. Bong Revilla na sa kabila nang patuloy na atake sa kanya sa social media, hindi pa rin nila nagawang ihatak siya pababa.

As of presstime, ayaw pa munang magbigay ni Bong ng pahayag kaugnay sa magandang resulta nang pagtakbo niya sa eleksyon.

Maine kinabog si Vice?!

Wagi ang guesting ni Maine Mendoza sa ilang programa nitong nakaraang weekend dahil nag-rate ito, pero hindi pa rin naungusan ng Daddy’s Gurl niya ang Idol Philippines na consistent na nagri-rate. Nakakuha lamang ito ng 9.9 percent laban sa Idol na 13.1 percent.

Si Maine ang guest sa The Boobay ang Tekla Show na kung saan game na game siyang nagsasayaw doon, kaya nakakuha ito ng 7.7 percent laban sa Gandang Gabi Vice na 6.6 percent, at guest pala nila roon si Angeline Quinto.

Sa Sunday Pinasaya ay nag-co-host siya dahil wala si Alden Richards na nasa New York.

2019 MIDTERM ELECTIONS MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with