Marco
Pagsikat ni Marco nakasalalay kay Anne?!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2019 - 12:00am

Maituturing na napakasuwerte na ni Marco Gumabao dahil napili siya para maging leading man ni Anne Curtis sa Viva Films na Just A Stranger na maraming mga eksena ang kinunan sa Lisbon, Portugal. Kung bakit sa panig na yun ng mundo naisipang mag-location ng Viva ay malalaman sa pagpapalabas ng pelikula.

Bago sa ating paningin ang nasabing bansa at baka nga naman maraming magagandang lugar dun na makakatulong para mas mapaganda pa ang tambalan ng dalawa nilang contract star na naisipan nilang sugalan sa panahong ito na maraming Graded A na pelikula ay sumesemplang sa takilya.

Sana lang ay hindi maapektuhan ang performance ni Marco sa movie ng bad role na gina­gampanan niya ngayon sa seryeng Los Bastardos bilang napaka-salbahe sa magkakapatid na Cardinal (Jake Cuenca, Joseph Marco, Joshua Colet, Albie Casiño). Tinanggap si Anne ng maganda ng mga moviegoers sa pakikipagpareha niya kay Dingdong Dantes sa Sid at Aya (Not a Love Story). Hoping ang fans ni Marco na matanggap ng mga manonood ang muling pagtatambal nila ni Anne na nagsimula sa pelikulang Aurora.

Nakasalalay sa pagboto ang kinabukasan

Eleksyon na bukas, dineklarang isang non-working holiday para malayang mahanap ng mga botante ang kanilang mga presinto nang walang ina­alalang mahuhuli sila sa kanilang mga trabaho. Marami ang walang problema rito. Maraming kandidato, lalo na sa local elections, ang hinanap na ang mga presinto ng mga constituent nila para hindi na sila maligaw at malaman agad ang pupuntahan nila. Ganito ka-maserbisyo ang marami nating kandidato ngayon.

Marami rin sa kanila ang nagawang alamin ang mga cellphone number ng marami sa atin para lang sila makahingi ng boto. Sana lamang ay maging malinis at matahimik ang eleksyon. Sana rin marunong na tayong bumoto. Sa ating mga mamamayan nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa.

Ali tiyak natuwa kay Angel

I’m sure appreciated ni Ali Sotto ang hanggang ngayon ay ginagawang pag-alala ni Angel Locsin sa kanyang namayapang anak na si Mico Sotto na nasawi nang mahulog ito sa tinitirhang condo.

Samantala, tinatalbugan na ng serye ni Angel ang mga nangunguna sa rating na mga serye ng ABS-CBN. Gustung-gusto ng manonood ang mga ginagawang action scenes ni Angel sa series at ang nalalapit na paghaharap nila ng kanyang pamilya.  Magaling talaga siyang umarte.

Magaling din ang cast mula kay Maricel Soriano hanggang kina Tirso Cruz lll, Janice de Belen, Paulo Avelino, Eula Valdez,  Ryza Cenon, maging sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Masaya na ang fans sa mga roles nila. Exceptional din ang pag-arte ni Arjo Atayde.

Matteo handang sumabak sa gulo

Dapat lang mag-alala ni Sarah Geronimo at huwag maging kampante sa ipinakikitang interes ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli na maging sundalo.

Anytime, na magkaro’n ng kaguluhan ay maaring ipatawag ito to help keep the peace in the country. Ganundin si Gerald Anderson na kabilang na sa Coast Guard. Dumarami ang mga artista natin na nagiging reservist at handang magserbisyo sa bansa. Mabuhay sila.

ANNE CURTIS MARCO GUMABAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with