Jason Mraz puro good vibes ang dala

Jason & Renéé

MANILA, Philippines — Hindi lang pala sa bansa makaka-duet ng American singer na si Jason Mraz ang Pinay YouTube singer na si Reneé Dominique. Makakasama rin ito sa Good Vibes Tour 2019 ng Amerikanong singer sa Singapore.

Si Jason mismo ang nagkuwento sa kanyang Good Vibes concert sa MOA Arena the other night na sa internet lang sila nagkakilala ng Pinay YouTuber at ngayon nga ay may collaboration na sila (na kinanta nila sa MOA concert).

Anyway, hindi ito ang first time sa bansa ni Jason Mraz pero halos mapuno pa rin ang MOA Arena kahit na nga sinabayan ang concert ng malakas na ulan na naging sanhi ng pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila.

Isa rin ang singer sa pinaka-sulit mag-concert. Hindi lang basta nagpo-promote ng new album niya, kinakanta rin niya lahat ng hit songs niya. At higit sa lahat, Good Vibes lahat ng mensahe ng mga kanta niya na title din ng kanyang concert tour.

Kasama siyempre sa mga kanta niyang sumikat ang I’m Yours, Lucky, I Won’t Give Up, Have It All, More Than Friends, Unlonely, The Remedy at marami pang iba. Tumagal din ng almost two hours ang concert.

Show comments