Maine at Alden
Ilang AlDub fans ibang level na ang ilusyon
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2019 - 12:00am

Kinakantyawan ng ilang AlDub fans ang isa ring AlDub fan na nag-tweet na magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa isang malayong lugar.

Kaya nakantyawan ang nagbalita nito dahil noong time na sinabi niyang magkasama sina Alden at Maine, si Arjo Atayde ang kasama ni Maine sa isa pang 24th post birthday celebration nito.

Maraming photos nina Maine at Arjo ang magpapatunay na sila ang magkasama that time. Mahirap paniwalaang edited ang naglabasang litrato na kuha sa post birthday celebration ni Maine na galing sa kanyang solid fans.

May video pa ngang na-upload noong palabas ng stage sina Arjo at Maine na nakaakbay si Arjo at si Maine ay nakahawak sa baywang ng aktor.

Also, that time na sinasabing magkasama sina Alden at Maine, hindi pa yata nakakabalik ng bansa si Alden dahil based sa report ng kanyang fans, Sunday morning pa lang siya nakabalik ng Pilipinas.

Kaya paano nagkasama sina Alden at Maine kung si Arjo ang kasama ni Maine at wala pa sa bansa si Alden? Sa nababasa namin, marami pa rin ang naniniwalang may relasyon at ang iba pa nga, naniniwalang kasal na at may anak na sina Alden at Maine.

Maganda sigurong tanungin si Arjo kung ano ang comment niya na ang dini-date niyang si Maine ay may asawa at anak na?

Bianca consistent ang pagde-deny kay Ruru

Mauunang ipalabas sa May 29, ang horror film na Banal ng APT Entertainment at tampok sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, kaya ito muna ang pinu-promote ng magka-love team. Maganda ang teaser ng pelikula ni director Jay Tadena and hopefully, maging maganda ang box-office result para tuluy-tuloy hanggang sa showing ng Family History sa June or July.

Natutuwa si Miguel sa dalawang pelikula nila ni Bianca na magkaiba ang tema. Para raw sa kanilang fans ang Banal at Family History na matagal nang nagre-request na gumawa sila ng pelikula. Iba nga naman ang pelikula sa teleserye na kung saan, napapanood sila sa Sahaya.

Speaking of Miguel, hindi talaga siya napaamin ng mga nakausap na reporter sa shooting ng Fa­mily History sa nagtapos na four years relationship nila ni Bianca. Kaya, hindi rin nito inamin na nag-break sila at si Ruru Madrid na ang bagong love ni Bianca.

Sa bagay, pati rin naman si Bianca, hindi umamin na naging sila ni Miguel at sila ngayon ni Ruru. Hindi pa rin deretsahang umaamin si Ruru na sila na ni Bianca, pero madaling mahuli na siya’y hindi nagsasabi ng totoo.

KC nagpaka-faney sa Fil-am actress

Nag-post si KC Concepcion ng photo niya nang dumalo siya sa world premiere ng pelikulang Yellow Rose na ang bida ay ang Fil-Am actress na si Eva Noblezada. Kasama rin sa pelikula sina Lea Salonga at Princess Punzalan.

“Was this REALLY Eva Noblezada’s first film she’s incredible and I am now officially a fan!!! Happy to have been invited to the Yellow Rose world premiere here in LA... the film that took the audience on a ride with its soulful, beautiful, funny, true Filipino-American nature that fits right into the mainstream. This film doesn’t even feel foreign. Nor heavy, even as it tells the story of pains and woes of an immigrant Filipino family that is forcefully torn apart. Sooo good!!! Tagos sa puso! @msleasalonga & Ms. Princess Punzalan are the Philippine actors in it too.”

ALDEN RICHARDS MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with