Atom at Maine
Atom bawal sa sitcom
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2019 - 12:00am

Para namang suntok sa buwan ang balitang ito bagaman at kung magkakaroon ng katuparan ay baka magbigay pa ng ibayong kasikatan kay Maine Mendoza dahil marami ring followers ang News and Public Affairs na personality na ito ng GMA-7. Bukod sa talagang guwapo at matalino ay talaga namang tumatatak sa manonood ang mga mapag­hamong trabaho ng isang Atom Araullo sa Kapuso Network, at bago dito ay sa ABS-CBN. Pero payagan naman kaya siya ng mga bossing niya? Ang maging guest ng AlDub ay baka puwede pa pero iyong maging permanenteng kapareha ni Maine ay mukhang malabo at mahirap magkaro’n ng kaganapan. 

Unang-una na ay mababawasan ang kredibilidad ng isang taga-News and Public Affairs kapag napapanood siyang umaarte. Lalo’t sa isang sitcom na tulad ng serye ni Maine sa GMA kasama si bossing Vic Sotto na kung saan ay hinahanapan siya ng kapareha. Pero walang makapag-aalis sa fans na ma­ngarap, kahit pa ang pangarap ay singtaas ng langit.

Maricel makakatulong sa career ni Janella

Makakatulong ng malaki kay Janella Salvador kapag nakasali sa Metro Manila Film Festival 2019, ang The Heiress film nila ni Maricel Soriano. Isang horror film ito ng Regal na ikina-e-excite ng dalawang babaeng artista dahil first time nilang magkasama sa isang movie. Tulad ng The General’s Daughter na kung saan ay sina Maricel at Angel Locsin naman ang magkasama.

Nilu-look forward ng beteranang aktres ang mga oras na makatrabaho ang isang kabataang artistang babae na maaari niyang mabahagian ng kanyang kaalaman sa pag-arte at maaari niyang ma-enjoy ang company na parang isang anak.Matatandaang dalawang lalaki ang anak ng Diamond Star kaya makakaasa si Janella ng isang masayang pagtatrabaho.

Rita at Snooky gaganap na mag-ina

Buti pa si Rita Daniela meron nang follow-up project sa My Special Tatay. Kasama ito sa movie na ginagawa ni Joel Lamangan na In The Name Of The Mother.

Mag-ina ang roles nila ni Snooky Serna sa nasabing film. Ang naging kapareha niya sa GMA series na My Special Tatay ay hinihintay pa hanggang ngayon ang kasunod niyang assignment. Hinahanapan pa marahil si Ken Chan ng isa pang mapaghamong role bagaman at kahit na isang normal cha­racter ay pwede niyang gampanan magkatrabaho lang siya agad dahil naiinip na ang fans niya.

ATOM ARAULLO MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with