Sophia delas Alas
Anak ni AiAi bumagsak din sa pag-arte
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2019 - 12:00am

Artista na rin pala ang anak na dalaga ni AiAi delas Alas na si Sophia delas Alas. Matatandaang isa si Sophia sa mga anak ni AiAi na pumunta ng US para dun mag-aral. Binilhan din sila dun ng bahay ng komedyante para mayro’n silang matuluyan. Unang balak na isama silang manirahan dun sa kanyang amang si Miguel Vera pero, hindi ito nag-materialize kaya kinailangang ibukod sila ng tirahan ng kanilang ina. May pamilya na rin kasi dun ang dating sikat na singer.

Kung papaano napapayag ang mahiyaing dalaga na mag-artista na rin ang siyang interesadong malaman ng lahat. Ang kuya nitong si Sancho delas Alas ay nauna nang mag-artista at matagal nang kasama sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Role ng anak nina Jeric Raval at Katya Santos ang gina­gampanam nito sa pelikulang Sons of Nanay Sabel (SONS) na pinagbibidahan ng kanyang ina at ng mga alaga nitong Ex Battalion.

Janella at McCoy susubukan kung magki-click 

Baka nga naman mag-klik sina Janella Salvador at McCoy de Leon after mabulilyaso ang loveteam nila with Elmo Magalona and Elise Joson kung kaya naisip na pagtambalin sila sa The Heiress. Wish ng mga supporter nila na kung hindi man sila matanggap na loveteam ay matanggap silang tandem dahil mahusay naman silang artista at sana ay mayro’n silang magandang chemistry.

Hindi pwedeng kwestiyonin…

Hindi lang naman si Paolo Contis ang hindi napansin ang akting ng isang award-giving body. Reklamo ng mga sumsusubaybay sa kanya ay ni hindi man lang siya nabigyan ng nominasyon bilang best actor para sa pelikula niyang Through Night and Day na kung saan ay sinasabi nilang nagpamalas siya ng magaling na pag-arte. Si Kathryn Bernardo ay kinakitaan din ng malaking improvement ang acting sa The Hows Of Us pero, si Daniel Padilla lamang ang na-consider para bigyan ng nominasyon, hindi ang kapareha niya. Pero criteria at standard ng naturang award-giving body ang ginamit at hindi ng mga observer. 

We can make comments pero, hindi natin makukwestyon ang choices nila. Unless we want to give our own awards, too.

Dawn focus na talaga sa mga anak

Mababawasan na ang pagtanggap ni Dawn Zulueta ng pelikula, lalo na sa TV. Hindi na niya kakayanin ang magdamagang taping at matagal na pagkawala sa kanyang bahay, not for health reason kundi dahilan sa lumalaki na ang kanyang dalawang anak, kinakailangan na niyang nasa tabi nila siya parati para niya sila magabayan. Hindi naman siya titigil sa kanyang pag-aartista, pero, pipili na lamang siya ng project worthy of her time, she owes this to her two boys. Gusto naman niyang makita ang paglaki nila.

AIAI DELAS ALAS SOPHIA DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with