Jayda
Jayda Avanzado hindi kinikilig kay Darren
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2019 - 12:00am

Sa magandang takbo ng karera sa pagkanta ng nag-iisang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda Avanzado, marami ang nagsasabi na kapag nagpatuloy ito ay baka mahigitan pa niya ang naging tagumpay ng kanyang mga magulang. Magaling na songwriter din ang kayang ama at kahanga-hanga na nakuha ito ni Jayda, at sa edad na 13 ay nakagawa na rin siya ng sariling kanta. Nakaka-1.1 million likes na ang awitin na kanyang ginawa at meron na rin siyang kolaborasyon sa isang sikat na Indonesian singer-songwriter na si Ren Mikko. Ito ang nag-imbita sa kanya na gumawa sila ng kolaborasyon.

Inaasahang aakyat pa sa music chart ang pinagtulungan nilang kanta na Crazy About, hindi lamang sa Indonesia kung hindi maging sa buong Asya at sa labas nito. Dahil nakuha niya ang parehong magagandang features ng kanyang mga magulang, maituturing siyang isa sa may pinakamagandang mukha na nagtatangkang sumikat bilang isang singer.

This early, inili-link na siya sa mabilis na sumi­sikat ding si Darren Espanto pero sinabi niyang close friends lamang sila at walang ligawang namamagitan sa kanila, wala pa. Ang young singer ang sinasabing nagtataglay ng mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki gaya ng matalino, guwapo, maalalahanin at may sense of humor.

Kyle Echarri si Andrea ang type in real life

Naging bisita sa Magandang Buhay ang tatlong kabataang lalaki na maituturing na liyamado pagdating sa kasikatan among the newbies na nagsisimula nang magpakilala sa local showbiz, sina Kyle Echarri, Darren Espanto at Ken San Jose. Nakakatuwa lamang na bukod kay Darren na concentrated sa kanyang pagkanta, si Kyle na isa ring mahusay na singer at unang nakita sa The Voice Kids ay nagsisimula nang magpapansin sa lara­ngan ng pag-arte. Pinag-aagawan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz ang character niya sa Kadenang Ginto. In real life, sinasabing ang talagang crush niya ay si Andrea. Kay AC Bonifacio naman inili-link si Ken na isang mahusay na dancer at 2nd runner-up sa Dance World Philippines at mahusay ding singer. Hindi ito madedehado kapag luminya ito sa pagkanta dahil may boses na siya, mayro’n na agad na ka-loveteam. Pareho silang mahusay na dancer ni AC.

Pag-aaway-away ng magkakapatid na pulitiko nakakadismaya!

Hindi makakatulong at makakasira pa sa kandidatura ng magkapatid na Jinggoy Estrada at JV Ejercito ang patuloy nilag patutsadahan. Hindi uso sa mga Pinoy ang mga magkakamag-anak na nag-aaway-away. Mas type natin yung mga magkakadugo na nagmamahalan at nagkakampihan.

Gaya nga nung ginawang pag-aaway ng magkapatid na Binay ay sinasabing makakasira sa kanila at baka hindi pa sila iboto ng mga taga-Makati dahilan dito.

Sana hindi ito kahinatnan din ng mga senatoriables na anak ni Mayor Joseph Estrada. Hindi maganda yung claim na si Jinggoy ang tunay na Estrada at si JV ang The Good One. Dapat mag-stick na lang sila sa tunay na isyu at sa kung anuman ang mga naging accomplishments nila sa Senado. Katungkulan ng mga magulang nila na mapaglapit sila kaysa kunsintihin ang pag-aaway nila. This goes to the former Vice President Jejomar Binay and his warring children na mayoralty candidates ng Makati.

ANDREA BRILLANTES JAYDA AVANZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with