Heart niregaluhan ni Louboutin
Wow isang Manilacaba bag (Manilacaba Multi-Pattern Tote Bag) ang regalo ng sikat na French designer na si Christian Louboutin kay Heart Evangelista na nagkakahalaga ng PHP 89,068.00 (ayon sa Neiman Marcus online store).
Uploaded ito sa Instagram account ni Heart kahapon. “From France to Philippijes! My dear Christian sent me this super thoughtful gift as a belated birthday present. Merci, mon ami. @louboutinworld”
Ibang level na rin ang pagiging fashion influencer ni Heart.
Friend friend na siya sa mga international designer.
Maging ang mga fashion collaboration niya with Kamiseta, sobrang mabenta rin in all fairness.
Nung minsang mapadaan ako sa isang store ng Kamiseta, ang mga design niya ang tinitingnan ng mga costumer.
Anyway, naalalang naging dance partner ni Christian Louboutin si Heart nang mag-attend siya ng isang fashion event sa bansa noong 2017.
- Latest