Jake at Kylie
Jake at Kylie hindi kailangang umamin!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2019 - 12:00am

SEEN: Tahimik na ang isyu tungkol sa diumano’y pagsisilang ng sanggol ni Julia Montes pero muli itong pinag-uusapan dahil sa Easter Sunday statement ni Coco Martin. “Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan at kaduwagan may kanya kanya tayong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sa’yo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!

“Nagtatrabaho lang ako at may meron din akong pribadong buhay wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko,” ang pahayag ni Coco na malinaw na humihiling na igalang ng publiko ang kanyang pribadong buhay. “If you don’t know the whole story, shut up” ang another social media post ni Coco.

SEEN: Sa May 29, 2019 ang playdate sa ci­nemas nationwide ng Finding You, ang romantic drama movie ng Regal Entertainment Inc. Lead stars ng Finding You sina Jerome Ponce, Jane Oineza at co-actors nila sina Barbie Imperial, Jon Lucas, Kate Alejandrino at Claire Ruiz. Ang Regal protégée na si Easy Ferrer ang direktor ng pelikula.

SCENE: Ipinagdiwang nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa Bali, Indonesia ang unang anibersaryo ng kanilang pag-iisang dibdib. Ikinasal sina Billy at Coleen sa Balesin island noong April 20, 2018.

SEEN: Nagbakasyon din sa Bali, Indonesia noong Holy Week sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa. Hindi na kailangan ng kumpirmasyon na may relasyon ang dalawa dahil sapat na ebidensya ang kanilang mga cozy picture na lumabas. Nagsimula sa set ng Los Bastardos ang relasyon nila.

JAKE CUENCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with