Halik…cast
Jericho at misis ayaw pang patayin ang mga pangarap!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2019 - 12:00am

Consistent si Jericho Rosales sa planong ‘wag muna silang mag-baby ng misis niyang model na si Kim Jones.

Pakiramdam ng aktor, marami pa silang gustong gawin ng kanyang misis na kadalasang ang trabaho ay sa abroad.

“I’m so blessed to have a beautiful wife who actually has the same passion. We talked about it already, she’s going to study, I’m going to study, she’s building a company, I’m rebuilding myself and her job is abroad, we’ve had the set-up for a very long time now,” pahayag niya kahapon sa finale presscon ng trending serye na Halik.

“Na if she wants to study, if I want to study for 3 or 5 months and magkita kami somewhere kung saan mang parte ng mundo, we’re fine with that.

“This is the reason why we don’t want to have kids muna. Because we feel that sa buhay namin, parang ang da­ming umagaw ng mga gusto naming gawin sa buhay namin,” paliwanag pa niya. “Kaya parang bringing a baby into this world is not a good idea kasi kawawa ‘yung baby. Papatayin namin ang mga pangarap namin dahil gusto naming mag-baby. Wala namang nagpe-pressure sa aming magka-baby, di ba?

“Ano, kultura lang at tradisyon? May anak ako na mahal na mahal din ni Kim, nagmamahalan kaming apat. So, it’s a wonderful family, parang ganu’n. I have the best set-up right now,” dagdag pa niyang paliwanag though binanggit naman din niyang kung magdesisyon si Lord na bigyan na sila ay tatanggapin naman nila.

Anyway tulad ni Piolo Pascual, titigil na si Jericho sa paggawa ng teleserye. “I don’t wanna do soaps anymore,” banggit ni Echo.

Dagdag ng actor, malinaw sa isip niya na ayaw na niyang gumawa ng soap opera. “I’ve been working on soap operas or TV shows for 23 years now. And I have a clear answer in my head.”

Panahon na raw para i-challenge niya ang sarili at gumawa naman ng bago at kakaiba pero hindi ibig sabihin ay pagod na siya sa teleserye.

Though open pa naman siya sa paggawa ng TV shows, pero ibang concept na ang gusto niya.“It’s a world now of digital. We don’t know where things are going. It’s a season where each and every actor can create can direct, can produce, can write and one of the very few that actually offered me that is Direk Ruel Bayani,” depensa niya.

Actually matagal na raw niya itong gustong gawin pero may mga dumarating na magagandang offer  na serye na hindi naman niya matanggihan.

At any rate, mas matindi at mas palaban ang magi­ging tapatan nina Lino (Jericho), Jade (Yam Concepcion), Jacky (Yen Santos), at Ace (Sam Milby - na by the way ay sa pictorial lang ng presscon nakasama kahapon dahil isinugod na agad ito sa Emergency Room ng St. Luke’s sa sama ng pakiramdam) ngayong pagdaraanan nila ang pinakamatitinik na hamon na pilit maglalayo sa kanila sa pagmamahal at karapatang kanilang inaasam sa huling dalawang linggo ng Halik na isa sa maituturing na pinakapinag-usapang serye ng 2018. In all fairness, halos gabi-gabi talaga itong trending sa social media at laman ng iba’t ibang memes dahil na rin sa mga nakakainis at nakakatuwang eksena nito.

Kinapitan din ang serye dahil sa mga aral na ipinakita nito. At siyempre uminit ang pangalan dito nina Yam at Yen.

Lagi ring pinapanood ang serye online dahil ito pa rin ang most-watched show sa iWant noong Marso.

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with