Jak
Jak kapos pa ang akting!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

Parehong nag-post ang GMA-7 at ABS-CBN ng kanilang rating sa matinding pagtatapat ng Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya nung nakaraang Sabado, March 23.

Nag-trending ang episode na Viral Macho Dancer: The Dante Gulapa Story ng Magpakailanman na pinagbidahan ni Jak Roberto at bago natapos ang kuwento, si Dante na mismo ang gumanap.

Si Vance Larena naman na talent ng T-Rex Entertainment ang bida sa Diploma sa Selda episode ng MMK.

Ayon sa People’s Ratings ng Nielsen, mas mataas ang nakuha ng Magpakailanman ni Mel Tiangco kesa sa MMK ni Charo Santos.

Pero sa Kantar Media naman na sinusunod ng ABS-CBN 2, mas mataas sila kesa sa GMA-7.

Sinilip-silip ko lang ang ilang eksena ng MMK at magaling si Vance sa napanood kong eksena.

Okay naman ang pagkalahad ng kuwento ni Gulapa sa Magpakailanman, pero medyo nakukulangan pa ako kay Jak. Kaya naman tuluy-tuloy ang acting workshop nila para mahasa pa nang husto.

Hindi ko masyadong nataypan na si Dante pa mismo ang pinaganap nang nag-mature na sa kuwento.

Puwede naman silang kumuha ng artistang marunong talagang umarte, na medyo mataba-taba na rin at marunong na rin umindayog ang katawan.

May mga ilang eksena kasing inalalayan na lang ni Maureen Larrazabal si Dante sa ilang eksena.

Samantala, natutuwa naman ang team ng Kara Mia, dahil pataas nang pataas na ang rating nito kahit panalo pa rin ang katapat na FPJ’s Ang Probinsyano.

Snooky hindi  makapag-pakasal  dahil sa relihiyon!

Okay na sana ang relasyon ni Snooky Serna sa dating Vice Gover­nor ng Bulacan na si Ramon Villaroman, at puwede na raw nilang pag-usapan ang kasal, dahil four years na rin silang magkasintahan sa loob ng 28 years na pagkakaibigan nila.

Okay na raw na magpakasal silang dalawa pero ang relihiyon pa rin ang isyu nilang dalawa dahil miyembro ng Iglesia ni Cristo si Snooky, at Roman Catholic naman si Ramon.

Hindi raw kasi puwedeng magpakasal si Snooky sa ibang relihiyon, kaya dapat na magpa-convert si Ramon. Pero mukhang hindi pa ito nakapagpasya.

Wala naman daw pressure  sa kanilang dalawa, at hindi naman daw nila pinag-aawayan.

Minsan naman daw ay sumasama si Ramon sa kanya sa pagsasamba, na tinawag nila itong ‘suri’.

“He’s very open to it naman na ‘magsuri’ siya. Yun po kasi ang terminology namin sa INC na yung para bang…for him to check out yun…suri ang tawag dun. Para malaman nya yung ­aming mga doktrina,” pahayag ni Snooky nang nakatsikahan namin ito sa Papa Kim’s Coffee shop nung nakaraang Linggo, March 24.

Pero kung sakali, willing naman kaya si Snooky na bumalik sa Katoliko kung sakaling hindi magpapa-convert si Ramon?

“Sinabi ko naman po sa kanya na if worse comes to worst. Siyempre alam naman siguro natin kung ano ang pipiliin ko. Alam naman niya.

“Nobody naman siguro in her right mind or in his right mind would choose…ah would not choose his faith di ba, for anything else in the world,” seryoso niyang pahayag.

“I have nothing against the Catholic religion kasi I was born Catholic, but yun nga lang po talaga sa amin kasi talagang aral po sa amin na maging equally yoked kayo.

“Kasi pag nag-adjust ako, ibig sabihin, hindi na ako magiging kapatid. Ayoko namang mawala sa Iglesia ni Cristo. Ganyan po kahalaga yung faith sa akin,” sabi pa ni Snooky.

Kaya ini-enjoy na lang nila ang kanilang relasyon sa ngayon at hindi nagpa-pressure sa relihiyon para makasal lang.

Masaya na rin si Snooky dahil maganda ang feedback sa kanyang performance bilang si Salida sa Sahaya, na napapanood sa GMA Telebabad pagkatapos ng Kara Mia.

JAK ROBERTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with