Sarah wish ding manalo ng best actress

Sarah

Kung malungkot ang kampo ni Kathryn Bernardo sa pang-iinisnab ng FAMAS sa best actress category, kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Sarah Geronimo na nominadong Best Actress for Miss Granny. Kung bakit naman kasi hindi nominated si Kathryn samantalang pelikula niya ang The How’s of Us kung saan nominated na best actor si Daniel Padilla.

Anyway, kasamang nominated ni Sarah sina Judy Ann Santos, Angelica Panganiban, Perla Bautista, Anne Curtis, Pokwang, Nadine Lustre, Glaiza de Castro, Iyah Mina at Gabby Padilla. “Yung ma-nominate lang, okay na po ako doon. Pero  sana po,” sabi niya sa isang interview.

Ang husay nga naman ni Sarah sa nasabing pelikula so talagang may chance na siya ang manalo.

Anyway, ayon pa kay Sarah, inaayos na ang script ng next project niya na nakikitang nag-iikot bilang endorser siya ni Sen. Sonny Angara.

Show comments